CHAPTER 7

15 7 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Simula ng saktan at kamuntikan naring patayin ni Draken si Dathor ay mukhang nadala nga itong ulitin pa ang kapangahasan na ginawa niya saakin.


Pero sa tuwing magtatama ang mga tingin naming dalawa ni Dathor ay nakikita ko na tila ba may galit na ito saakin na malaki ngayon. Siguro ay dahil kamuntikan na itong mapahamak sa ginawa nitong pambabastos saakin. Dangan nga lamang at hanggang sa tingin na lang ang kaya nitong gawin ngayon.


Dahil sa oras na may gawin nanaman itong hindi maganda saakin at malaman iyon ni Draken ay sigurado na ang katapusan nito kapag nagkataon.


Pasalamat parin ito dahil napapayag ko si Leonard na mag sinungaling kay Draken at huwag sabihin ang totoong nangyari ng araw na iyon.


Dahil kung hindi ko napapayag si Leonard ay baka nauna pa si Dathor kay Dallas!


Siyempre naman ay hindi ko yata maaatim ang bagay na iyon, kahit nanga ba sabihin na natin na hindi maganda ang ginawang pambabastos saakin ng lalaking iyon.


Anyway, mukhang natuto naman na ng leksyon si Dathor sa ginawa nito.


Pero siyempre bago ko napapayag si Leonard na mag sinungaling kay Draken nung umpisa ay labis itong nagtaka at nag tanong pa saakin kung bakit ayokong sabihin kay Draken ang totoo para daw maparusahan na si Dathor sa ginawa nito.


At siyempre para hindi na mag tanong at magtaka pa si Leonard ay sinagot ko na lang ito na ayoko lang talagang makakita ng mga magkapatid na nagpapatayan. Isa pa ay kailangan ni Draken si Dathor sa laban nito. At kapag nawala pa ang kaisa-isang kapatid nito na kakampi niya ay baka mabulilyaso pa ang mga plano nito.


And then voila!


Accepted na kay Leonard ang mga dahilan ko na iyon para pumayag ito sa pakiusap ko na mag sinungaling siya sa amo niyang si Draken.


Pero infairness naman sa Leonard na iyon na binalaan pa akong mag ingat parin kay Dathor at huwag parin akong magtitiwala sa lalaking iyon. Mukhang kahit papaano ay matino parin namang mag isip si Leonard.


Sa ngayon ay palagi namang wala sa palasyo si Dathor dahil ito ang inuutusan ngayon ni Draken na kumilos para mangalap pa ng mga kakampi at ng mga kagamitan na gagamitin nila sa labanan.


Habang si Draken naman ay may iba ring pinagkakaabalahan ngayon.


Mas dumadalas yata ang pagkukulong nito sa silid kung saan tinatago nito ang Wulfric book na ultimate secret weapon na gagamitin niya para mag tagumpay siya sa laban na ito.


Sa totoo lang?


Ilang beses ko na ring inisip at pinlano kung papaano ko makukuha sa silid na pinaglalagyan nito ang libro na iyon, pati na rin ang puso ni Prince Dyrion.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon