CHAPTER 15

17 6 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Matindi nga siguro ang naging laban nila Draken at Prince Dirk, dahil hanggang sa mga oras na ito ay natutulog parin si Draken. Malamang ay binabawi talaga ng katawan nito ang matinding pagod mula sa pakikipaglaban na ginawa nito.


Ikaw ba naman kase ang humarap sa pinaka malakas at pinaka makapangyarihang nilalang sa buong kalawakan! Tiyak ganyan talaga ang kasasapitan mo!


Alam nanga nito na wala siyang panama sa lakas ni Prince Dirk, and yet hinarap parin nito!


"You moron!" Naiiling na sabi ko habang pinagmamasdan ko ang natutulog paring si Draken.


Ewan ko ba naman kase kung bakit naisipan ko na mag presinta kay Maestro Rufan na ako na lamang ang magbabantay dito hangga't hindi pa ito nagigising.


Tuloy ay nagugulumihan at tila hindi makapaniwala si Maestro Rufan sa concern na pinapakita ko kay Draken ngayon.


Kumbaga bago kase iyon dito.


Mas sanay kase ito na wala akong pakialam kay Draken. Anyway hindi na lang ito nag bigay pa ng ano mang klase ng komento at hinayaan na lang ako nito sa gusto ko.


Kaya heto ako ngayon, mag isang nagbabantay sa damuhong lalaking ito.


Infairness, ang amo amo pala ng mukha ni Draken kapag natutulog! Hoy Daila! Para namang hindi mo pa nakikitang natutulog ang isang yan! Heller! Lagi mo kayang katabi yan noon!


Tuya saakin ng isang bahagi ng isip ko.


Oo na! Hindi nga ito ang first time ko na makita siyang matulog!


Pero iba kase talaga ang pagiging maamo ngayon ng mukha ni Draken habang natutulog ito ngayon. Para bang payapang payapa ito at walang nagbabadyang kasamaan na binabalak.


Parang hindi mo iisipin na kaya niyang gawin yung mga kademonyuhang pinag-gagawa nito kumbaga.


Kung sakale na hindi ko ito kilala at hindi ko alam ang mga ginawa nito. Iisipin ko na mabait at mabuti itong nilalang.


Hindi ba iyon naman talaga ang unang pagkakakilala mo sa kanya....


Anas ko sa isip ko.


Pagkuwan ay nakaramdam ako ng lungkot at galit na rin.


Damn it!


Mariing mura ko sa isip.


Pasalamat ka Draken at hindi ka pwedeng patayin! Dahil sa oras na may mangyari sayo ay tiyak na rin ang katapusan ni Princess Dallas!

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon