CHAPTER 16

10 6 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Tuluyan na akong nahimasmasan ng makapaligo at makapagpalit na rin ako ng damit sa wakas.


Nakaligtaan ko na kasing gawin iyon kahapon ng dahil sa mga nangyari, pagkatapos ay nakatulog pa ako sa kuwarto ni Draken.


Then-----


Mabilis na pinilig ko ang ulo ko para huwag na munang alalahanin sa ngayon ang naging panaginip ko.


Baka mawala nanaman sa focus ang isip ko kung babalikan ko nanaman ang bangungot na iyon!


Sakto at tapos na akong maligo at nakaayos na ako ng pumasok si Irizandy dala ang agahan ko.


"Magandang umaga sainyo, Lady Daila." Nakangiting bungad nito saakin kasabay ng paglapag nito sa agahan ko sa may lamesa doon.


"Magandang umaga rin sayo, Irizandy." Matamlay na balik ko dito.


Sana nga ay kasing ganda ng umaga sa Solteroz ang mood ko.


"Mukhang hindi maganda ang umaga ninyo, Lady Daila. May nangyari nanaman po ba?" Maingat at magalang na tanong nito saakin.


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.


"Wala pa naman sa ngayon, Irizandy." Yun na lang ang sinagot ko.


Pagkuwan ay lumapit na ako para tignan ang agahang dinala nito.


"Mukhang masarap ang mga yan ha!" Sabi ko at bigla yatang kumalam ang sikmura ko ng makita ko ang agahang dinala saakin ni Irizandy.


"Masarap nga po siguro ang mga yan, Lady Daila!" Pag sang ayon naman nito sa sinabi ko.


Hinila ko ang isang silya doon para maupo na at magsimula ng kumain.


"Kung ganoon ay saluhan mo na kaya akong kumain, Irizandy. Tutal madami naman ang mga ito at hindi ko naman kayang ubusin lahat ang mga yan." Aya ko dito.


"Hay naku Lady Daila! Baka magalit po si Prince Draken kapag nakikain din po ako sa luto niya---- Ay!" Tila nawala yata sa sarili si Irizandy at bigla niyang naibulalas iyon sa harap ko!


Habang ako naman ay natigilan sa narinig ko.


Pinagluto ako...... Ni Draken? As in ang damuhong demonyong lalaking iyon ang nag luto nito?! Weh! Di nga?!


Sa buong durasyon yata na nagkasama kami nito ay kailanman ay hindi naman ako nito pinagluluto ah! Isa pa wala akong alam na marunong mag luto si Draken?

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon