CHAPTER 17

15 7 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Bakit?!" Umiiyak na tanong ko sa kawalan pagkuwan ay tumingala ako sa langit na para bang doon ko makukuha ang sagot na kailangan ko. "Anong klaseng biro ba ito?!" Dugtong ko pagkuwan ay inalala kong muli ang mga narinig ko kanina.


"Hindi pwedeng malaman ni Daila na ako ang pumatay sa pamilya niya at sa angkan niya! Sa oras na malaman niya na ako ang may gawa nun sakanila ay mas lalo lang na hindi niya ako mapapatawad!" Narinig ko na nababahalang sabi ni Draken.


Pakiramdam ko ay para akong binuhasan ng malamig na tubig dito ng marinig ko ang sinabi nito!


"Huwag kang mag alala! Hindi naman niya malalaman yun kaya huwag kanang matakot! Wala ka bang tiwala saakin?!" Narinig ko na sagot ng kung sino mang kasama nito sa loob ng silid naming dalawa ngayon.


Kung hindi lamang ako nagimbal sa mga narinig ko ay aalamin ko kung sino ang kausap nito?!


At bago pa malaman ng mga ito na narinig ko na sila ay dali-dali akong tumakbo paalis dito.


"Ayoko na! Hindi ko na talaga kaya ito!"


Wala na akong pakialam pa sa misyon na kailangan kong gawin! Pagod na pagod na ako sa ginagawa saakin ni Draken! Pagkatapos ay malalaman ko na ito rin ang pumatay sa pamilya at sa angkan ko?! All these years! Kasama ko lang pala ang tumapos sakanila!


Papaano ko pa masisikmura lalo na makasama ang lalaking yun?! Kaya ngayon ay tatapusin ko na ang lahat ng paghihirap ko!


Tutal ay imposible namang makakawala pa ako sa kamay nito!


Handa na sana akong tumalon ng bigla na lang mayroong humila saakin para pigilan ako!


Ang akala ko nga ay baka si Draken ang pumigil saakin pero ng harapin ko kung sino ba iyon ay ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko na si Prince Dirk pala ang pumigil sa pagtalon na gagawin ko.


Halos maumid ko ang dila ko ng tumingin saakin ng mataman ang matatalim at asul na asul na mga mata nito na sadyang umiilaw.


"B-Bakit? Bakit mo ako pinigilan?" Tanong ko sa kanya habang parang nalulunod ako sa mga mata nito.


Sa halip na sagutin ako nito ay tahimik lamang akong tinalikuran nito para umalis na dito.


"Hinayaan mo na lang sana ako!" Sumbat ko dito kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.


Sa sinabi kong yun ay bigla itong tumigil.


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon