PROLOGUE

40 8 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


-Music Background: Sorrow Without Solace-Final Fantasy XV OST-


Mukhang sinisigurado talaga nila na hindi ako makakawala sakanila dahil ramdam ko ang kakaibang klase ng mahika sa mga kadena na ginawa nilang panali sa mga kamay ko at ganoon na rin sa mga paa ko.


At kahit na gamitan ko pa siguro ito ng kapangyarihan ko ay hindi parin ako makakawala sa mga kadena na ito na sadya pa yatang pinagawa para lang sa isang katulad ko.


Kunsabagay, wala naman akong balak na makakawala pa dito o gumawa ng kahit na anong bagay para tumakas dito.


Para ano pa?!


Tahimik lamang ako habang pinapasok ako ng mga kawal sa loob ng hukuman na ito kung saan naghihintay saakin ang three elders na sila Gaiuz, Aryz at ang lolo ko na si Omo.


Nang tumingin sa may dako ko ang lolo ko na si Omo ay yumuko na lang ako para hindi magtama ang tingin namin nito. Pero nahuli ko parin ang ginawa nitong pag iling na para talagang dismayado ito sa mga nagawa ko.


Bukod sa tatlong elders ay nandito rin sa hukuman ang aking ama na si Diland at ang mga kapatid ko na pawang tahimik lamang habang pinapanood ako na naglalakad kasama ang mga kawal na itinalaga saakin para bantayan akong mabuti.


Salamat at hindi sumama ang aking ina sakanila.


Marapat lamang na hindi na nito saksihan pa ang mangyayaring paglilitis saakin.


At bukod sa ama ko at sa mga kapatid ko ay mayroon ding mga nilalang dito na gusto marahil panoorin ang gagawing sentensya saakin ng three elders.


Dahil sa araw na ito ay sasabihin na nila ang parusang nararapat sa isang katulad ko.


Siguradong kamatayan ang ipapataw saakin ng mga ito na kaparusahan!


"MASAMA KA!" Narinig ko na sigawan ng mga nilalang dito sa loob ng court room ng makita na rin ako ng mga ito.


"DAPAT TALAGA SAYO MAPARUSAHAN!" Sigaw parin nila.


"KAMATAYAN DAPAT ANG IPARUSA SAYO! NANG DAHIL SAYO NAWALA ANG MGA MAHAL NAMIN SA BUHAY! MAMATAY KANA DRAKEN!" Patuloy ng mga ito.


May iba pa sakanila na binabato na ako kaya mabilis na kumilos ang mga kawal na nagbabantay saakin para pigilan na ang mga ito.


"TUMIGIL KAYO! NASA HARAP KAYO NG THREE ELDERS! MAGBIGAY GALANG NAMAN KAYO!" Sigaw ng mga ng Foresterozian official na naririto rin para saksihan ang araw na ito.


Hindi ko naman masisisi ang mga nilalang na ito kung magalit sila saakin at hilingin na rin ng mga ito na mamatay ako.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon