CHAPTER 12

13 5 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


"ANONG IBIG NINYONG SABIHIN NA NAWAWALA SIYA?! NASAAN SI DAILA?!" Galit at malakas na sigaw ko na halos marinig sa buong palasyo.


Dahilan para mapaatras sa takot ang mga naririto.


"Prince Draken, huminahon ka lang!" Nababahalang sabi ni Leonard saakin.


Nanlilisik ang mga matang tinignan ko ito.


"HUMINAHON?!" Galit paring sigaw ko. "Gusto mo pa akong huminahon? Gayung nawawala si Daila! HAH!" Asik na dugtong ko.


Dala marahil ng takot ay hindi na nagawa pa ni Leonard na kumibo saakin.


Sa tindi ng galit na nararamdaman ko ngayon ay parang gusto ko yatang makapatay ngayon!


Hindi mo pwedeng gawin saakin ito, Daila! Hindi! Hindi!.... HINDIIIIIII!


Nababaliw na anas ko sa isip.


"Huwag kang mag aalala, Kapatid ko. Hahanapin ko ngayon din si Daila." Narinig ko na sabi ni Dathor.


"Mabuti pa nga, Prince Dathor! Hanapin nyo na si Lady Daila ngayon!" Narinig kong nahihintakutang pagsingit na sabi ni Maestro Rufan dito.


Hindi ka makakatakas saakin, Daila! Hindi! Dahil akin ka lang! Akin!


"Sasama ako! Ako dapat ang makahanap sa kanya!" Naaburidong sabi ko.


"Huwag na, Kapatid ko! Ako na ang bahala." Pigil ni Dathor saakin. "Dito kana lang at kami na ng mga tauhan ko ang maghahanap sa kanya! Panigurado namang hindi pa nakakalayo ang bride mo dito." Dugtong nito.


Huminga ako ng malalim para makalma ko ang sarili ko.


"Siguraduhin mo lang na mahahanap mo siya, Kapatid ko." Sabi ko dito. "Alam nyo naman kung gaano ka-importante saakin ang araw na ito, hindi ba?" Dugtong ko.


Nakita kong tumango si Dathor saakin.


"Relax ka lang, Kuya Draken! Sinisigurado ko sayong matutuloy parin ang kasal ninyong dalawa. Sa pagbalik ko, kasama ko na ang bride to be mo." Parang siguradong sigurado talaga si Dathor na mahahanap nito si Daila.


Siguraduhin lang nito na mahahanap niya si Daila!


"Sige na at kumilos na kayo!" Iyon na lang ang sinabi ko.


Daila!


Parang mababaliw na yata ako! Hindi ko kayang mawala saakin si Daila! Hindi!


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon