EPILOGUE

32 4 10
                                    


Daila Crono Maximoff POV


Kung hindi ko lang alam ang dahilan kung bakit tahimik ngayon ang asawa ko sa buong durasyon ng biyahe namin ay iisipin ko na mayroon itong malalim na problemang iniisip.


Magsasalita lamang ito kapag kakausapin ko o di kaya kapag kakausapin din ito ng kambal namin. Tapos ay muli itong tatahimik. Bukod pa doon ay halata ko rin sa kanya na tensyonado ito masyado.


Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganyan ngayon.


Marahil ay kinakabahan parin hanggang ngayon ang dahumuho dahil ngayong araw na ito ay muli naming makikita sila Dirk at Dallas, at siyempre pa si Driscol na talaga namang naging malapit saaming dalawa noon na halos maging anak nanga ang turing namin sa batang yun.


Katulad ni Draken nasasabik at natetensyon din naman ako dito, pero mas nananaig ang kagustuhan ko na makita na ulit sila Dirk, Dallas at Driscol pati na rin ang apat na kambal ng mga ito!


Nakakatuwa nga eh! Parehas kaming nagkaroon ng mga kambal nila Dallas. Palibhasa kambal ang lolo ng mga anak namin kaya nagkaroon ng kambal na anak sila Dirk at Draken. Iyon nga lang mas lamang parin si Dirk dahil apat ang kambal nito.


Ang lakas talaga ng mag asawa na iyon!


Anyway masaya naman ako kahit dalawa lang ang kambal ko. Susko! Sa hirap ba naman ng pagbubuntis ko at sa panganganak ko sa kambal ko na sila Daraia at Dillon ay parang hindi ko na rin yata kayang isipin kung naging apat din ang kambal ko?!


Baka hindi ko na yata kayanin yun lalo kung manganganak pa ako ng apat na kambal! Baka sumpain ko na nun si Draken!


At least malakas namang babae si Dallas kaya kering-keri talaga ng isang yun ang manganak ng apat ng kambal!


Pero kahit na sobra akong nahirapan sa pagbubuntis at sa panganganak ko ng isang Wulfric baby ay gusto ko parin namang magkaroon pa kami ni Draken ng another pang mga anak in the future.


Suskomia!


Sayang naman kase ang magagandang lahi ng mga Wulfric kung hindi susulitin, di ba?! Kaya susulitin ko talaga ang asawa ko na anakan ako ng anakan!


Hahaha!


Pero sino nga ba ang mag iisip na magiging ganito ako kasaya ng sobra sa piling ng lalaking minsan kong kinamuhian ng labis noon?


Sa bawat araw na magkasama kami nito noon ay para bang sumpa saakin yun! Kaya nga palagi kong ninanais na makakawala sa hawla na pinagkulungan nito saakin.


Tapos ang ending pala ay dito parin ako babagsak at mai-in love ng sobra-sobra! Mukhang tumalab yata ang panalangin ni Draken sa inaraw-araw na mahalin ko din siya.


O baka naman sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana dahil nagawa niyang baguhin ang nararamdaman ko kay Draken ng hindi ko napapansin.....


Kung ano man ang tamang sagot sa pagbabago ng damdamin ko sa lalaking ito ay hindi na mahalaga pa saakin ang sagot dun dahil ang importante ay masaya ako na kasama ko ito sa inaraw-araw ng buhay ko at sa mga susunod pang yugto ng buhay namin.


Pero hindi ko sinasabi na super perfect na talaga ang pagsasama namin nito dahil kung minsan ay nag aaway parin naman kami nito o mas tamang sabihin na ako lang yata ang umaaway dito kapag may tuyo ako! Hahaha! Salbahe ko bang asawa?! Di naman! ^_^


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon