CHAPTER 30

8 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Nakabalik na po pala kayo-----"


Mabilis akong sumenyas kay Rasai na huwag itong maingay dahil baka magising si Prince Driscol na mahimbing na natutulog ngayon habang buhat-buhat ng Uncle Draken nito.


Kaagad namang tumahimik si Rasai at nakangiti na lang na sinundan nito ng tingin sila Draken at ang natutulog na si Prince Driscol na buhat nito para dalhin na ito sa kuwarto nito.


Sa dami ba naman kase ng mga kinuwento ni Draken dito ng mga adventures at training na ginawa nila ng mga The Eight noon ay nakatulog na tuloy si Prince Driscol sa pakikinig dito kaya naman pinasya na lang namin nito na bumalik na sa palasyo.


Isa pa baka sadyang napagod din ang munting prinsipe sa training na ginawa nila ng Uncle niya.


Kung tutuusin kase ay baby pa naman talaga si Prince Driscol eh! Sabihin ng dalawang taon na ito ay baby parin para saakin ang edad na iyon, ewan ko lang sakanilang mga Wulfric at Salvatorie kung baby pa ba ang tingin nila sa edad na iyon?


Besides mukhang ayos lang din naman kay Princess Dallas na sinasanay ng kapatid nito si Prince Driscol na lumakas at matuto itong kontrolin ang kapangyarihan at lakas nito bilang isang itim na lobo.


After all nga naman ay ikatlo parin si Draken sa pinakamalakas noon sa The Eight.


Kaya may karapatan naman talaga ito na sanayin ang susunod na hari ng mundong ito.


Pero mas maganda sana kung sila King Diland or mismong si Prince Dirk na ama nito ang magsasanay kay Prince Driscol. After all ang dalawang iyon naman talaga ang mga itim na lobo na katulad nito.


Kaso dahil hawak nga ni Draken ang buhay ni Princess Dallas ay hindi tuloy magagawa sa ngayon ang bagay na iyon dahil walang nakakaalam sa existence ni Prince Driscol kundi kami lang nila Princess Dallas na ina nito, si Draken, Leonard, Dathor at ang mga kapanalig at tauhan nito.


Siyempre maski na rin si Desmond ay alam na ang existence ni Prince Driscol na kataka-taka at wala naman itong ginagawang hakbang para gawan ng masama ang munting prinsipe.


Pero kailangan paring pag ingatan si Prince Driscol dito.


Sana talaga ay matapos na ang lahat ng ito ng sa ganoon ay maging normal na ang buhay ni Prince Driscol kapag nagkaisip at lumaki na ito. Huwag na sanang makalakhan ng bata ang gulong ito na sinimulan ng Uncle Draken niya at ng satanas na si Desmond.


Kaya once na matapos na ang lahat ng ito ay doon palang magagawang ma-training ng maayos si Prince Driscol kapag nakasama na ito nila King Diland at ng ama nito na Prince Dirk.


Hindi na tuloy ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon na malalaman na rin sa wakas ng lahat na mayroong isang Driscol Izuland Salvatorie ang nabubuhay na sa mundong ito! Sabik na akong makita ang magiging reaksyon nila King Diland kapag nakita at nalaman na nila na mayroon ng isang bagong itim na lobo sa mundong ito at anak iyon nila Prince Dirk at Princess Dallas.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon