The Final Chapter

16 3 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


"Mr. Wolfter na pick up nanga pala ni Mr. Aniro yung set ng alahas na pinagawa niya sainyo." Sabi ni Topher saakin na isa sa mga tauhan ko dito. "Tapos po naasikaso na rin po namin yung mga bagong supply na pinadala saatin. Bale Tatawagan na lang po natin si Mrs. Frida para magawa na po niya yung mga set na in-order saatin ni Mrs. Allegre ngayong nandito na po yung mga mamahaling bato na napili niya!" Dugtong nito.


Dahil lumalaki na rin ang jewelry shop ko at talaga namang nakikilala na ito ngayon ay kinailangan ko na talagang kumuha ng maraming mga tauhan na makakasama at makakatulong ko dito.


Siyempre salamat parin sa tulong nila Shin dahil ang mga ito ang nagbigay saakin ng mga tapat at maasahang tauhan dito.


Kaya sa tuwing hindi ako nakakapasok o may kailangan akong gawin ay malaki ang tiwala ko sa mga tauhan ko na hindi nila pababayaan ang Aila Jewelry shop na binigay saakin ni Dirk.


Hindi ko tuloy napigilang mapangisi ng mabanggit ko si Dirk.


Sa mga oras na ito siguro ay masayang-masaya na rin ang siraulong yun!


"Maasahan ko talaga kayo, Topher!" Nakangiting sabi ko sabay tapik sa may balikat nito.


Bagama't mahusay na rin naman akong gumawa ng mga alahas ay hindi parin ako kasing husay mag design at gumawa ng alahas katulad ni Frida na ngayon ay asawa na ni Harushino!


Pagkatapos naming magpakasal noon ni Daila ay hindi natuloy si Harushino na umuwi sa mundo namin ng makita at makilala nito si Frida.


Kaya sa history nilang magkakapatid na Lacrimas ay siya tuloy ang kaisa-isa at kauna-unahang anak ni Masuda ang nakapag-asawa na!


At dahil siya ang kaisa-isang Lacrimas na nagpakasal noon ay pumunta pa tuloy sa mundong ito ang mga magulang nito para lang saksihan ang anak ng mga ito na maikasal sa babaeng minahal nito.


Sa totoo lang nakaramdam ako ng gapinong inggit kay Harushino dahil pinuntahan ito ng mga magulang nito sa araw ng kasal niya.


Pero sino ba ako para mag expect sa mga magulang ko lalong lalo na sa ama ko na baka hanggang ngayon ay hindi parin ako napapatawad.


Ngunit patuloy parin akong umaasa na isang araw ay mapapatawad din ako nito sa lahat ng mga kasalanan at pagkakamaling nagawa ko noon.....


Ang buong akala ko kase noon ay pinagdadamot lang nito saakin ang Wolveroz at ang trono nito dahil hindi ako naging isang black wolf at mas mahal nito si Dirk kesa saakin na tunay naman nitong anak.


Kaya nga ginawa ko ang lahat noon para lang mapatunayan dito na karapat-dapat din naman akong mamuno kahit na hindi ako naging isang itim na lobo katulad nila ni Dirk.


No wonder kung bakit nagawang makontrol ng lolo ko ang isip ko dahil sa matinding inggit at galit.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon