CHAPTER 35

9 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Matalik na magkaibigan ang Lolo Dyrion mo at Ama ko noong nabubuhay pa sila, My Little Prince. Sa katunayan si Lolo Dyrion mo rin ang dahilan kung bakit nakilala ng Ama ko ang aking Ina. Kaya utang ko sa kanya kung bakit nandito rin ako sa mundong ito. Kase kung hindi dahil sa kanya hindi naman magkakakilala ang mga magulang ko."


Masayang kwento ko dito.


"Ahhh!" Cute namang reaksyon nito. "Tapos....?" Mukhang interesado pa itong makinig sa mga kwento ko.


"Tapos umalis ang Ama ko sa pagiging Knight sa palasyo, habang ang aking Ina naman ay umalis na rin sa pagiging Orakulo para magpakasal silang dalawa, siyempre si Lolo Dyrion mo ulit ang tumulong sakanila. Kaya nga isang savior ang Lolo Dyrion-----"


Hindi ko na nagawa pang matapos ang sinasabi ko dito ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Prince Driscol.


Mula sa pagkakahiga ko sa tabi ni Prince Driscol ay dali-dali akong bumangon para harapin si Dathor na hindi ko alam kung bakit naririto ngayon?


"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ko kay Dathor.


Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda dito ng makita kong ngumisi ito sa harap ko.


"Well, napag-utusan lang naman ako ng mahal kong kapatid na puntahan kayo dito ng mahal kong pamangkin para bantayan kayo dito." Nakangising sabi nito.


Sabay sipat pa nito sa kabuuan ko na para bang hinuhubaran ako nito ngayon.


Bastos parin pala hanggang ngayon ang isang ito! Mukhang hindi parin nagbabago!


Kaya naman dali dali kong hinarang ang mahabang buhok ko na malayang nakabagsak ngayon para takpan ang dibdib ko dito na tinititigan nito ngayon ng matalim na para bang manipis ang damit na suot ko para makita nito ang dibdib ko at pangigilan nitong pagmasdan yun.


Wala man lang pakundangan ang hambog na ito! Pasalamat ito at nasa harap kami ngayon ni Driscol! Dahil kung nagkataon! Nakuuu! Baka kanina ko pa ito nasampal ng malakas sa ginagawa nito!


"Ganoon ba? Kung ganoon ay maraming salamat at pinaunlakan mo ang utos sayo ng kapatid mo. Pero pwede bang lumabas kana muna sa kuwarto ni Prince Driscol, Kamahalan? As you can see mayroon kaming pinag uusapan dito bago ka pumasok ng walang permiso." Mariin at matapang na sabi ko dito.


Sukat dun ay bigla na lang itong tumawa ng malakas.


"Relax ka lang, Daila! Masyado ka namang nate-tense diyan eh! Huwag mong sabihin saakin na natatakot ka sa presence ko dito?" Nakakalokong tanong pa nito saakin. "And besides, hindi nyo ba ako isasali ni Driscol sa pinag-uusapan ninyo? Mukhang interesting pa naman ang pinag-uusapan ninyo ng pamangkin ko!" Dugtong nito.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon