CHAPTER 27

11 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Sinigurado ni Draken na muling maisasaayos ang mga nasira nito sa Wolfz keep matapos nitong makuha iyon at mag tagumpay sa digmaan laban sa ama't mga kapatid nito.


Isa na rin sa sinigurado nitong maisasaayos muli ang dating trono ng ama nito na ngayon ay siya na ang nakaupo bilang bagong pinuno ng Wolveroz.


Kung hindi lang sana nito napatay si Lady Diana ng araw na iyon ay baka hindi ganito ang kinalabasan ng lahat, dahil natitiyak ko na hindi pababayaan ni Prince Dirk na mag tagumpay sila Draken at Desmond na makuha ang Wolveroz kela King Diland.


Ngunit ng dahil nga sa nangyaring pagkamatay ni Lady Diana ay hindi na muling nagpakita pa si Prince Dirk dito sa Novaliz, kung kaya't hindi na nagawang matapatan pa nila King Diland at ng mga anak nito ang makademonyong kapangyarihang gamit ni Draken na mula sa demonyong Lolo nito na si Desmond.


Kaya naman sa tuwing naalala ko ang mapait na araw na iyon kung saan napatay ni Draken ng hindi sinasadya si Lady Diana ay hindi ko parin maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko sa sinapit ng pinakamamahal na ina ni Prince Dirk.


Ngunit iniisip ko na lang na kinailangan ko rin naman kasing protektahan noon si Princess Dallas at ang bata sa loob ng sinapupunan nito, kung kaya't napabayaan ko si Draken at nagawa nga nito ang hindi dapat nito nagawa ng araw na iyon.


Isa pa.


Sino ba ang mag iisip na bigla na lang darating dito si Lady Diana para iligtas ang buhay ng anak nito na alam naman ng lahat ng mga nilalang sa mundo na ito na hindi niya mahal?! Ngunit tila nagkamali kaming lahat doon dahil sa ginawa nitong pagligtas sa anak na labis niyang kimumuhian at bago malagutan ng hininga ay humingi pa ito ng kapatawaran sa anak nito.


Tuloy naiisip ko na baka mayroong malalim na dahilan kung bakit naging malupit si Lady diana kay Prince Dirk, gayung kitang kita ko naman ng araw na iyon na mahal naman pala nito ang anak niya.


Hindi naman kaya may kinalaman nanaman dito ang satanas na si Desmond?!


Base kase sa kakayahan nito at sa mga kasamaang ginawa nito na patuloy parin nitong ginagawa sa pagkontrol at sa pagsasamantala sa galit at inggit ni Draken ay posibleng may kinalaman nga ito sa kalupitang ginawa ni Lady Diana sa anak nitong si Prince Dirk noon.


Kung tama man ang hinala ko na may kinalaman nga ito dun ay tunay nga talaga itong satanas at demonyo!


Marapat lamang na wakasan ang kasamaan nito, ngunit sa nangyari ngayon ay imposible pa sa ngayon ang bagay na iyon. Lalo na't wala pa dito si Prince Dirk na magsasalba saaming lahat.


Paniguradong dinidibdib nito ang nangyari sa kanyang ina! At sa malamang ay sinisisi rin nito ang sarili niya ngayon dahil napabayaan nito ang kanyang ina!


Sana ay gabayan itong mabuti nila King Diland kung kasama man nila ngayon si Prince Dirk.


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon