CHAPTER 28

7 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Hay naku naman talaga! Nasaan na ba yun? Hindi ba nakabili sila Irizandy?!" Bulalas na tanong ko habang hinahalungkat ko ang mga pinamili nila Irizandy mula sa bayan. "Alam naman nila na iyon ang pinakamahalaga sa listahan na kailangan nilang bilhin eh! Bakit wala dito?!" Dugtong ko.


"O Lady Daila! Ano ba ang hinahanap mo diyan sa eco bag? At kanina ka pa halungkat ng halungkat diyan?" Nagtatakang tanong saakin ni Rasai na siyang mayor doma ng palasyong ito ng makita ako.


"Hinahanap ko kase yung mga pinabili kong strawberry jam at cheese kela Irizandy. Alam nyo naman na hahanapin yun ni Prince Driscol, di ba?" Tugon ko dito.


Sukat doon ay biglang tumawa si Rasai sa harap ko.


"Hay naku! Kahit anong gawin mong hanap diyan ay hindi mo na talaga mahahanap na yun, Lady Daila!" Natatawa paring sabi nito saakin pagkuwan.


"So nakalimutan nga nila Irizandy yun?! Pambihira naman! Mahigpit ko pa namang binilin sakanila na iyon ang unahin nilang bilhin! The last time na hindi sila nakabili ay nagtampo saakin si Prince Driscol!" Nababanas na sabi ko.


"Huwag kanang mag alala diyan, Lady Daila! Nakabili naman talaga sila Irizandy ng strawberry jam at cheese." Natatawa parin pa hanggang ngayon si Rasai ng sabihin iyon. "Kaso nakuha na iyon kanina pa ni Prince Driscol! Hay naku! Pagkadating na pagkadating dito nila Irizandy ay hinanap kaagad sakanila yung strawberry jam at cheese! Sa malamang ay tinago na yun ni Prince Driscol sa taguan niya." Dugtong nito.


Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit natatawa si Rasai dito.


Kaya maski na ako ay natawa na rin dito sa narinig kong kinuwento nito ng ma-imagine ko bigla ang ginawang iyon ni Prince Driscol na kinukuha nito kela Irizandy ang strawberry jam at cheese nito.


Napaka guwapo at napaka cute pa namang bata ni Prince Driscol na kay hirap I-resist kung minsan!


"Maloko talaga ang batang prinsipe! Manang-mana sa pagiging maloko ng kanyang ina." Natatawang sabi ko.


Siguro nga ay namana ni Prince Driscol ang pagkaloko at kakulitan nito kay Princess Dallas kung minsan, pero mas marami parin naman itong namanang traits sa ama nitong si Prince Dirk.


Parang batang version nga lang ito ng kanyang ama.


Except nga lang sa buhok nito dahil mukhang namana nito ang straight hair nito kay Princess Dallas. Pati ang ngiti nito ay dito rin nito nakuha. Aside sa mga nabanggit ay wala ng nakuha pa si Prince Driscol sa kanyang ina at the rest ay namana na niya sa kanyang ama.


At isa nanga doon ang pagkahilig nito sa strawberry jam at cheese na siyang paborito rin ng ama nitong si Prince Dirk.


Sa katunayan hindi ko naman talaga alam na paborito ni Prince Dirk ang strawberry jam at cheese kung hindi pa iyon sinabi saakin ni Princess Dallas ng minsang punahin ko ang pagkahilig ni Prince Driscol na pagsabaying kainin ang strawberry jam at cheese.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon