CHAPTER 14

17 6 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Nang makaalis na si Prince Dirk dito ay nagmamadali naman akong pumunta sa kuwarto ni Draken para tignan ang kalagayan nito.


Ano ba yan?! Nawala lang ako sandali dito ay gulo kana kaagad ang nangyari!


Naiiling na anas ko sa isip.


Pagkuwan ay bigla na lang nanginig ang katawan ko sa takot ng ma-realize ko ang kamuntikan na sanang kamatayan nila Draken at Dallas kanina! Kung sakale pa na hindi ako bumalik dito ay baka tinuluyan talagang tapusin ni Prince Dirk ang buhay ni Draken.


At kung nangyari nga iyon, tiyak wala na rin si Princess Dallas ngayon!


And then, voila!


Matutupad ng dis-oras ang propesiyang nakaambang kay Prince Dirk ng dahil sa kagagahang ginawa ko!


I swear it! Hindi ko na uulitin ang ginawa kong iyon!


Buwesit kasing Draken na ito eh! Masyado akong binanas kagabi, tuloy ay naisipan kong layasan ito para huwag matuloy ang kasal naming dalawa!


Naiiling ulit na anas ko sa isip.


Pagpasok ko sa loob ng kuwarto nito ay nadatnan ko na kasama nito sila Maestro Rufan, Leonard at ang tatlo sa pinagkakatiwalaan nitong 'konseho' niya na sila Lord Thomas, Lord Renzo at Lord Yue na pawang malapit na talaga dito noon pa man.


Kaya hindi na kataka-taka kung bakit kumampi at sumama ang mga ito kay Draken.


And speaking of Draken.


Hayun at wala parin pala itong malay hanggang ngayon, pero unti-unti namang nawawala na sa katawan nito ang mga sugat at pinsalang natamo niya mula sa naging laban nila kanina ni Prince Dirk.


Kaya sa malamang ay nasa mabuting lagay na rin ang kalagayan nito ngayon.


And for some reason.....?


Parang nakahinga yata ako ng maluwag ng makita kong maayos na rin sa wakas ang sitwasyon nito!


Bigla tuloy akong natigilan dito.


What the hell?!


Parang gusto ko na yatang sampalin ang sarili ko sa mga kataka-taka na yatang nararamdaman kong pag aalala na ito kay Draken!


Usually naman kase ay wala akong pakialam kay Draken.


Tapos ngayon halos himatayin din ako kanina sa takot ng makita ko itong duguan at halos mapatay na ni Prince Dirk kanina!


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon