CHAPTER 3

23 9 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Where's Draken?"


Nakakunot ang noo na tanong ko kay Leonard ng makita ko na ito lang ang naroroon ngayon sa may hapag.


Hindi ko napigilang mapataas bigla ang isang kilay ko ng makita ko na tila ba ngumiti ng nakakaloko si Leonard.


"Bago yata ang eksenang ito saakin."Sabi nito sabay salin ng alak sa kupita nito. "Kadalasan ay ikaw ang hinahanap ni Prince Draken sa hapunan. Pero ngayon ikaw na mismo ang naghahanap sa kanya, Lady Daila..... Finally ba, nami-miss mo na rin si Prince Draken ngayon?" Dugtong na tanong nito.


Tuloy ay ngumiti ako ng mapakla dito.


"Well, I'm just asking kung nasaan ang amo mo? Knowing him, hindi yata niya ugali na um-absent sa hapunan, especially kung kasama ako di ba?" Balik tanong ko dito na binibigyang diin pa ang ilang salita na binitiwan ko.


Tumikhim ito.


"Katulad nga ng iniisip ni Prince Draken ay magtataka ka nga pala talaga kung bakit hindi siya sasabay saatin ngayon sa hapunan." Ani Leonard. "Anyway, may mga bagay kasing kailangang gawin ngayon si Prince Draken kaya hindi siya sasabay saatin sa hapunan ngayon. But don't worry Lady Daila, ibinilin ka naman niya saakin na-----"


"Oh!" Putol ko sa mga sinasabi nito. "Kung ganoon hindi na lang pala basta taga-sunod ni Draken ang role mo dito ngayon? Kundi baby sitter na rin pala kita ngayon, Lord Fleuzet?" Sarkasmong dugtong na tanong ko dito.


Nakita ko na parang napatiim yata ang bagang nito, halatang hindi nito nagustuhan ang tinanong ko na iyon sa kanya.


Well sorry naman dito at I didn't mean to offend him or what sa nasabi ko.


Pero bakit nga kaya hindi sasabay saamin sa hapunan si Draken?


Isang malaking himala yata na hindi ko nakasabay ngayon sa hapunan si Draken ah?!


Samantalang hindi mapakali ang lalaking iyon kapag hindi ako sumasabay sa kanya sa pagkain. But anyway, wala namang problema sa parte ko kung hindi ko man makasalo sa pagkain ang damuhong lalaking iyon!


At least makakain ako ngayon ng payapa.


But Leonard is right! Napaka strange nga naman ng gabing ito dahil si Draken ang wala ngayon sa hapag kainan, na usually ay ako ang wala palagi dahil ayoko silang kasama at kasabay sa pagkain.


Unless na lang kung mayroong bagay na importanteng ginagawa ngayon si Draken?!


"Kumain na lang tayo ng hapunan, Lady Daila." Bagama't nagawa kong banasin ang gabing ito para kay Leonard ay nakita ko na polite parin itong ngumiti sa harap ko.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon