CHAPTER 21

7 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Silence!" Pakiusap ni Gaius sa mga nilalang na naririto matapos nilang magkaingay lahat buhat sa ginagawang paglilitis ngayon kay Prince Dirk.


Habang ako naman ay maingat na nagkukubli sa pinakasulok na bahagi ng lugar na ito para lang hindi ako mapansin ng mga nilalang na naririto.


After all.


Ang alam ng lahat sa mundong ito ay tauhan at babae ako ni Draken, kaya kailangan ko paring mag ingat.


Sa lalong madaling panahon ay kailangan kong makausap si Princess Dallas!


Anas ko sa isip ko habang hinahanap ko ito dito.


Ito na ang ikalawang pandinig kaya naman inasahan na ng lahat ang mas mainit na usapin.


"Naniniwala po akong inosente si Prince Dirk."


Natigil ang ginagawa kong paghahanap kay Princess Dallas sa lugar na ito ng marinig ko ang nag salita na iyon.


Nang tignan ko ay kinilala ko muna kung sino ba ang nagsalitang lalaki na iyon at kung hindi ako nagkakamali ay parang si Lord Shin yata ang lalaking iyon!


At hindi lang ito nag iisa at mayroon itong mga kasama pang ibang lalaki na kinilala ko rin at di naglaon ay nakilala ko na sila Lord Gladys, Lord Igor at Lord Rux na pawang mga kaibigan din ni Prince Dirk!


Sa malamang ay kaya sila naririto ay para isalba ang buhay ni Prince Dirk at patunayan na rin sa lahat na wala naman talaga itong kasalanan!


Sadyang mayroon lang talagang dahilan si Prince Dirk kung bakit niya yan ginagawa ngayon! Bukod sa sinusubukan niyang iligtas ang kanyang ina ay alam ko na mayroon pang mabigat na dahilan kung bakit niya inaako ang kasalanan nito at nila Draken!


Tuloy ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng malaking inis at galit narin kela Draken ngayon dahil sa ginagawang pag ako ni Prince Dirk sa mga kasalanang sila naman ang may gawa!


Kung maaari lang sana akong magpakita sa lahat ng mga naririto at sa harap ng tatlong elders na umuusig ngayon kay Prince Dirk ay baka ginawa ko na para tulungan itong malinis ang pangalan niya sa lahat ng mga kasalanan na ginawa nila Draken na pilit lang nitong inaako!


Kaso ay hindi ko pwedeng gawin ang bagay na iyon kahit gustuhin ko pa. Mas kailangan kong gawin sa ngayon ay magawa ang misyon na inutos saakin ni Prince Dyrion.


At kahit na hindi ko man maisalba si Prince Dirk dito ngayon ay naniniwala ako na walang mangyayaring masama dito dahil sinigurado saakin iyon ni Prince Dyrion ng makausap ko ito.


Kaya naman lumalakas ang loob ko na magtatagumpay parin ang kabutihan laban sa kasamaan!


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon