CHAPTER 26

10 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Nanlulumong pinagmamasdan ko ang palasyo ng mga Wulfric ngayon.


Ano na ang mangyayari ngayon saamin?


Nanlulumong tanong ko sa kawalan mula sa isip ko.


Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mangyayari ang lahat ng ito! Ang buong akala ko hindi magagawang mag tagumpay nila Draken pero heto't nagawa nga nilang mag tagumpay ng tuluyan!


~"FOR HONOR'S SAKE!"


Simula ni Draken sa mga salitang marapat niyang bitawan ngayon bilang pinakabagong pinuno ng Wolveroz.


Habang halos manlumo nalang kami parehas ni Princess Dallas ng makita namin ang napakaraming civilian, sundalo at iba pang mga nilalang ngayon ang nagkalat sa paligid ng Wolfz Keep.


~"FOR WOLVEROZ GREATNESS!"


Dugtong pa ni Draken na bulag na bulag ngayon sa nakamit nitong tagumpay mula sa ilang araw lamang na labanan na madali nitong napanalunan dahil sa lakas ng kapangyarihan na nagagamit nito mula sa librong hawak nito.


Halos matigilan na lang kami ni Princess Dallas na ngayon ay lumuluha nalang ng tahimik habang tinitignan nito ang halos mawasak na trono ngayon ng ama nito.


~"VICTORY IS OUR!"


Anunsyo ng kapatid nito kasunod ng pagtatayo nito ng sarili niyang bandera't pagpapabagsak ng orihinal na bandera ng Wolveroz.


~"LONG LIVE MAY HE REIGN!"


Malakas na sigawan ng mga tagasunod nito na siyang tuluyang nagsasabi na ito nanga ang bagong pinuno ng Wolveroz!


Draken!


Naiiling na tawag ko sa pangalan nito.


Ganoon ba talaga katindi ang galit at inggit nito para magawa ang lahat ng ito?!


Nang makita ko na halos matumba na si Princess Dallas dito dala marahil ng matinding emosyon na nararamdaman nito ngayon ay nag aalalang nilapitan ko ito kaagad.


"Your Highness..." Tawag ko dito.


Nahahabag ako ngayon dito dahil alam ko ang dahilan ng matinding emosyon na nararamdaman nito ngayon. Alam ko na malakas itong nilalang at gusto nitong ipaghiganti ang nangyari kay Prince Dirk!


Dangan nga lamang at wala din itong magawa katulad ko sa ngayon.


"Tatagan mo ang loob mo para sa bata." Pakiusap ko dito habang pigil-pigil ko rin ang sarili ko na huwag umiyak at magpakita ng kahinaan sa harap nito.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon