CHAPTER 19

9 6 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Nang malaman ko na magkakaroon ng malaking pagpupulong ngayong araw sila Draken kasama ang mga kapanalig at mga bago nitong kakampi ay mabilis akong naghanda para sa gagawin kong pagsubok ulit na makuha dito ang dalawang bagay na siyang dahilan kung bakit hindi magalaw-galaw nila Prince Dirk si Draken.


Sa loob ng maraming buwan na lumipas magmula ng kamuntikan na nitong mapatay si Princess Dallas ay hindi na talaga ako natahimik at halos hindi na rin ako nakakatulog sa kakaisip ng paraan para hindi na ulit maulit ang bagay na iyon.


Nang dahil sa kapabayaan ko ay kamuntikan na doon si Princess Dallas! And I swear to God! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaleng napatay nga ni Draken ang kapatid nito!


Kaya naman sa pagkakataong ito ay susubakan ko ulit na makuha ang dalawang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob kay Draken. Sana lang sa pagkakataong ito ay wala ng makakahadlang pa sa gagawin ko.


Dahil sa tuwing sinusubukan ko ngang gawin iyon noon ay palagi na lang akong hindi natutuloy na magawa iyon!


Pero baka naman sa pagkakataong ito ay magtagumpay na ako dahil sasamantalahin ko nanga na sobrang abala ngayon ang lahat dito sa mangyayaring malaking pagpupulong nila Draken.


At siyempre pa sa pagkakataong ito ay hindi na ako nag iisa sa gagawin kong ito dahil kasama at katulong ko sa planong ito si Irizandy!


Sa loob ng maraming taon na nakasama ko ito ay kilalang kilala ko na si Irizandy at malaki na ang tiwala ko dito dahil sa matindi nitong katapatan saakin.


Maraming beses ko na rin naman kasing sinusubukan ang katapatan nito para masiguro ko kung kaninong panig ba si Irizandy. At ng mapatunayan ko na nasa akin nga ang katapatan nito ay unti-unti kong sinabi sa kanya ang mga planong gagawin ko.


Natural natakot ito ng marinig ang mga binabalak at pinaplano kong gawin. Pero sa huli pumayag itong tulungan ako dahil gusto na rin nitong matapos ang kasamaan na binabalak nila Draken.


Kaya heto kaming dalawa ngayon, parang mga magnanakaw na tahimik na pumupuslit at sinasamantala ang sitwasyon na abalang abala na ngayon sila Draken sa pagpupulong nila ngayong araw.


At siyempre din para masigurong magtatagumpay nanga ako sa planong ito ay inutusan ko rin si Irizandy na bumili ng patago sa bayan ng mga sleeping powder na gagamitin ko sa mga nagbabantay na kawal sa silid na iyon.


Yun kase ang hindi ko nagawa noon dahil wala akong mautusan at hindi naman ako basta basta makakalabas ng palasyo ng walang pahintulot mula kay Draken.


Siyempre punong puno ng pag iingat ang bawat kilos ko at ang ginawa kong pag uutos kay Irizandy lalo na't pinababantayan nga ako ni Draken. Pero siguro naman ay hindi ako natunugan o kaya nahuli ng kung sino mang mga nagbabantay pa saakin dahil sinigurado ko namang naging maingat ako sa bawat kilos ko.


Kumbaga bahala na ang Diyos sa mangyayaring ito saakin! Nawa'y gabayan na lang niya ako para magtagumpay na ako sa pagkakataong ito!

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon