PANGATLONG KABANATA:
Bagong Mundo
Huminto ang kotse sa harap ng maganda, maliwanag at malaking bahay. Lumabas na kami ni Tiyo sa kotse. "Nandito na tayo..." gusto kong tanongin kung iyan bang bahay ay ang kaniyang tinitirhan, pero nanatili lang akong nakanganga at nanlaking mga mata dahil sa mangha ko sa ganda nito.
"Welcome dito sa bahay natin Agua..." dagdag niya.
Lumingon ako sa kaniya at napagtanto kong kanina pa niya ako tinitignan "S-Sa inyo po itong bahay Tiyo?" Tanong ko.
"Oo, ano sa tingin mo maganda ba?" Sabay ngiti niya sa labi.
Abot tenga naman ang ngiti ko "Subra po!" Sagot ko.
Biglang bumukas ang malaking tarangkahan, may dalawang lalaking lumabas na parehong itim ang suot, astig tignan at may mga makisig na katawan.
"Magandang gabi po Sir!" Sabay nilang bati, binati naman sila pabalik ni Tiyo. Pumunta sila sa sasakyan at kinuha ang mga gamit tsaka ipinasok sa loob.
May lumabas na babaeng hindi payat, hindi rin mataba katamtaman lang, maikli ang buhok, itim ang suot at may puti sa tiyan.
"Maligayang pagbabalik po Sir at magandang gabi..." abot tenga ang ngiti niya "Magandang gabi din sa'yo Nang Ellen..." sagot ni Tiyo.
Nilingon ako ni Nang Ellen "Ikaw ba si Agua Iha...?" Tinignan niya ako mula-paa hanggang ulo at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita akong naka ngiti at kuma-kaway sa kaniya.
Napalunok siya "N-Na napaka-ganda mo Iha..." tiyak kong hindi naman talaga siya nagandahan pero nakuha pa rin niyang ngumiti.
Agad niya akong nilapitan at hinawakan ang hawak kong bag na ibinigay sa akin ni Tiyo para paglagyan ng mga gamit, mas idiniin ko ang pag hawak sa bag.
"Ipapasok ko lang sa loob Iha para hindi ka mahihirapan..." ngumi-ngiti siya habang pilit kunin sa akin ang bag ngunit hindi rin ako nagpapatalo kinukuha ko rin pabalik ang bag
"Pagkatiwalaan mo siya Agua, gaya ng pagtitiwala ko sa kaniya..." sabi ni Tiyo kaya dahan-dahan kong binitiwan ang bag kay Nang Ellen.
Gaya ng inaasahan ko ay nabibigatan nga siya, dahil naglagay ako ng mga saging, kamote at marang, baka kasi wala rito sa syudad.
Pumasok kami sa loob ng bahay, at mas lalo akong namangha, nanatili akong nakanganga at nanlaki ang mga mata. Kulay puti ang bahay, napaka-luwag, may mga puno at iba't ibang klase ng bulaklak na ngayon ko lang nakita.
Binuksan na rin ang isa pang pintoan, at bumongad sa akin ang napaka-gandang na sa loob, may mga kumikinang na gamit, may mahabang hagdan papunta sa ikadalawang palapag, maraming mga kwarto, may mga maliliwanag na kulay puti, may upoang higaan, malaking hapagkainan at marami pa.
"Ang ganda naman po dito..." lumilingon-lingon ako sa paligid at tuma-tagal ang pagtitig ko sa mga bagay.
"Ito ang bago mong bahay, malaya mong gawin ang gusto mo. Huwag ka rin mahiyang makipag-usap o mag tanong sa amin. Siya si Nang Ellen ang kasambahay, sila naman si Kuya Pablo at si Kuya Win silang dalawa ay ang ating tagapag-maniho, kung may lakad ka sabihin mo lang kay Kuya Pablo dahil si Kuya Win ay minsan taga hatid-sundo namin ni Tiya Loren mo..." pagpakilala ni Tiyo sa kanila at sila nama'y niyuyuko ang mga ulo sa akin
"H-Hi po sa inyo..." naiilang kong pagbati habang niyuko din ang ulo.
"Samahan ko na pong makapag-ikot si Agua," sabay lapit sa akin ni Nang Ellen.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Teen Fiction"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...