IKA LABING-TATLONG KABANATA:
Personality Change
Agua's POV
Anong nangyari sa akin? Bakit ang hinahina ko kanina, mga tingin niya, malamig niyang boses...ay parang may kakaiba akong nadama, ang bilis ng tibok sa puso ko at para bang tumigil ang mundo ko. Nababalyo na ba ako?
Napahawak ako sa aking labi at bigla nalang akong ngumiti, balyo na talaga ako.
Bakit ko kaya siya hinalikan? Siguro na awa lang ako, pero hindi...naiinis ako sa kaniya eh at takot pa, pero bakit halik ang pinili ko?
Sinantabi ko na lang muna ang pagtataka at lumapit ako sa bintana ng kwarto at binuksan ito, tumingin ako sa mga ulap at may mga kumikinang na mga bituin at may maliwanag na buwan.
"Itay, Inay, Maya at Lawin...miss na miss ko na kayo...subrang hirap pong malayo sa inyo, napakarami ko pong gusto ikwento...isa na po diyan ang anak ni Tiyo at ang mga bago kong kaibigan. Napakarami pong bagong tao sa buhay ko, kunting tiis lang po magkakasama din tayo..." ngumiti akong nakatitig sa litratong hawak na si Tiyo Santiago ang kumuha bago ako umalis sa Daang Kalikasan.
Barry's POV
Pagkababa ko sa hagdan ay napabuntong hininga ako nang salubongin ako ni Agua na naka yuko ang ulo.
Siguro parihas kaming hindi pa naka get over sa nangyari kagabi, eh kahit ako hindi ko alam anong nanyari sa akin, bakit parang ang manyak ng dating ko kagabi.
"A-Ahm Barry, tungkol ka gabi...?" Naiilang siya.
"Anong ka-gabi?" Seryoso lang akong nakatitig sa kaniya kunwari walang alam.
"Yung n-nangyari sa atin..." inangatan niya ako ng tingin, ang cute-cute sarap kuritin.
"Bakit anong nangyari sa atin?" Tanong ko ulit.
"Wala kang maalala...? Eh baka nga wala ka lang sa sarili mo ka-gabi, pero pwede ding, ibang tao ka..." agad niyang hinahawakan ng madiin ang mukha mo.
"Aray aray aray! Agua masakit, tama na..." iniiwas ko ang sariling mukha sa kaniyang mga kamay, siya nama'y parang bata sa subrang kulit.
"Get off me!" Napataas boses tuloy ako habang sapilitan na inalis ang mga kamay niya sa akin.
"Ahh...ikaw talaga si Barry..." abot tenga ang ngiti niya habang nakatitig sa akin, ako nama'y nagsalubong ang mga kilay.
"Creepygnorant!" Sabay hakbang ko palabas ng bahay at sumunod siya.
Sumakay ako sa frontseat habang siya'y nanatili pa rin sa labas at parang may iniisip.
"Baka panaginip lang yung ka-gabi. Pero parang totoo..." sabi niya sa sarili.
"Hey! Get in now!" Napatalon siya sa gulat nang aking tawagin, agad naman siyang pumasok sa backseat.
Nagsimula ng bumiyahe ang kotse. Nilongon ko si Agua sa likuran at nanatili pa rin siyang may iniisip, pero parang mas lalong lumala ang kaniyang pagtataka "Hey Agua, ano bang iniisip mo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Teen Fiction"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...