Chapter 16

222 13 0
                                    

IKA LABING-ANIM NA KABANATA:

He Fall In Love





"Ano yung pinag-usapan niyo kanina?" Lumingon sa akin si Agua habang tuloy kami sa paglalakad.

"Narinig mo naman 'di ba..." sagot ko.

Napakamot siya sa kaniyang ulo "Pero hindi ko maintindihan," sabi niya.

Napabuntong hininga akong humarap sa kaniya "Ipinababalik nila ako sa football," sagot ko.

"Oo naintindihan ko 'yan pati ang mga dahilan mo kung bakit hindi mo sila pinagbigyan, pero ang hindi ko naintindihan ay ano 'yang football...?" Tanong niya ulit.

"Isang larong kinasasangkutan ng dalawang koponan ng labing-isang mga manlalaro na subukang maniobrahin ang bola sa layunin ng iba pang koponan nang hindi ginagamit ang kanilang mga kamay o braso, ang koponan na nakakakuha ng maraming layunin ang mananalo." Himala atang humaba ang pasensiya kong makiusap sa kaniya at nagawa ko pang mapaliwanag sa kaniya kung ano ang football.

"Medyo alam ko na, pero mas maganda kung mapanood ko, kaya pakiusap ipakita mo naman sa akin..." napalunok siya.

"Mamayang gabi may ipapanood akong palabas sa'yo." Napakamot na lang ako sa ulo, kulit nito.

"Ibig kong sabihin gusto ko makitang nilalaro mo," sabi niya.

Agad na kumunot ang noo ko "Ano?!" Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakipagtitigan sa kaniya.

Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at ang kaniyang mga mata ay tila mga bituin kong titigan, ito ba 'yong tinatawag nilang spark?

"Barry tama na ang pagkulong sa kwarto, tama ng magtago sa sulok, panahon na para muling magpakita sa araw, panahon na para magpakasaya dahil masaya naman talaga ang buhay. Barry gawin mo ang gusto mo, lagi mong tandaan na nandito lang ako sasamahan ka, at susuportahan ka..."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at ang tanging nagawa ko lang ay napanganga sa pagkagulat ng kaniyang mga sinabi. Wala akong ibang narinig kundi ang lakas ng tibok sa aking puso, wala akong ibang nakita kundi ang babaeng dahilan kung bakit ako napa-ngiti ngayon.

Sa wakas. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na muling marinig ang salitang matagal ko ng hinahanap, halos tumayo ang aking mga balahibo. Hindi ko man pamilya si Agua pero bahagi siya ng aking puso at siya nagpa tibok nito, napaka-special na niya para sa akin, baka nga siya pa ang future wife ko.

"T-Talaga...?" Abot tenga ang ngiti ko.

"Oo naman, susuportahan kita, pangako 'yan..." agad ko siyang niyakap ng pagkahigpit na tila ayaw ko ng matapos ang araw na ito, gusto ko lang siyang kayakap.






Nasa loob ako ng aking kwarto at handa na akong pasokin ang nakatagong kwarto kung saan naglalaman ng mga bagay at ala-ala ko sa ibinaong pagmamahal sa football.

"Para kay Agua." Napabuntong hininga ako tsaka pinondot ang kulay asul na bilog sa gitna ng pinto at inilagay ang password na 17, ito ang number ko sa mga jersey ko.

Pagpasok ko authomatic ang ilaw, lumilingon-lingon ako sa loob at walang ibang nakita kundi ang mga minahal ko dati.

Ito ang aking secret room, wala pang nakakaalam nito, tinakpan ko ang entrance door nito ng aking mga books collection at marami pang mga klase-klaseng collections.

Hinaplos ko isa-isa ang mga nakikita at muling binalikan ang mga masasayang araw na naglalaro ako sa football mula pagkabata hanggang high school.

Kaharap ko ang aking mga awards at ngumiting naalala ang paghihirap ko bago mahawakan at nakuha ang bawat isa sa kanila, kinuha ko sila isa-isa at hinahaplos.

Lumapit ako sa mga special na bagay sa akin, mga bagay na dati ikinatuwa ko habang sinasabi sa sarili na isa na akong ganap na football player at may football team na ako, ang aking mga kit. Includes the jersey, shorts, socks, cleats, shoes and shin guards. Iba-iba ang kanilang mga kulay at dating dahil bawat game magkaroon kami ng iba na namang uniform.

Kinuha ko ang white pair jersey and short, ito ang pinaka-special para sa akin, dahil ito ang pinaka-una kong nabiling football attire, nong una ay plate white lang 'to, at nang makapasok sa High League ay ipina-print ko na ito gaya ng kanilang uniform, at ito ang suot ko sa unang sabak sa laro, naalala ko pang tumatalon ako sa saya dahil una kong laro at unang panalo, ako pa ang naka last-minute goal.

Lumapit ako sa malaking salamin habang hawak pa rin ang paboritong jersey at short "Hanggang ngayon bagay pa rin talaga sa akin."





Makalipas ang ilang oras lumabas ako sa secret room at maging sa kwarto, tinitigan ko ang nakasiradong kwarto ni Agua at nilapitan ko, hinawakan ko ang door knob nito at dahan-dahan na binuksan.

"Ahhh!" Sigaw ni Agua habang bumaba sa kama at ibinato sa akin ang hawak niyang libro, umiwas naman ako at isinirado ang pinto kaya sa pinto tumama ang libro.

"Barry?! Langhiya ka, bakit ka ba pumapasok sa kwarto ko ng walang paalam o katok?!" Napahawak na naman siya sa kaniyang bewang, para talaga siyang nanay na galit.

Wala akong kibo at agad na humiga sa kaniyang kama. "Kung ayaw mo lumabas, ako na lang ang lalabas..." humakbang siya papunta sa pintoan.

"Hindi naman kita gahasahin eh, ang panget mo kaya!" Naka ngiti sa labi akong nang-asar sa kaniya, napahinto naman siya at agad na humarap.

"Ano sabi mo?!" Ayan na naman ang kamay niya sa bewang habang nagtagbo ang mga kilay, tinawanan ko lang siya at siya nama'y palapit sa akin na nakahanda ang mga kamao.


Pagkalapit ng kaniyang kamay na isusuntok sa akin ay agad ko itong hinawakan at mabilisan siyang hinila. Kaya magkasama kaming nakahiga sa kama, naka side ang aming position at face to face, nagtitigan kami ng matagal na para bang hindi makakilos.

"Gusto ko lang makita mo ang mga laro ko sa football..." iniwas ko ang tingin sa kaniya.

"Ganun ba, sige patingin ako..." sabay kaming umupo sa kama at sumandal sa mga unan, kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone at pumunta sa videos at nang ma-click ang panoorin ay iniharap ko ito sa kaniya.

Nakangiti akong tinitigan siya na napamangha at ngumi-ngiti, sa tuwing nakikita niya akong naka goal ay pumapalakpak siya, so I guess alam na niya kung paano laroin ang football.



Nang matapos namin ang video ay humiga ako sa kama habang siya'y naka sandal pa rin "Susuportahan mo ba ako?" Tanong ko.

"Oo." Isang sagot niya na sapat na para matuwa ako.

Tinitigan ko siya at nasabi kong siya na nga ang babaeng para sa akin. Responsibilidad at suport niya sa akin ay isang malalim na dahilan para siya'y aking mahalin.

"Barry balik na do'n sa kwarto mo, antok na ako..." hinawakan niya ang kamay at balikat ko habang pilit akong ipinatayo sa kama, walang kabuhay-buhay naman ako habang nagpapabigat ng katawan.

"Ang bigat mo, laking tao..." halos makikita ang kaniyang mga ngipin sa subrang paghila sa akin.

Naawa na ako kaya agad akong tumayo at humakbang papunta sa pintoan tsaka hinawakan ang door knob, muli kong ibinaling ang tingin sa kaniya "Suportahan mo ako hah..."

"Oo nga..." nakipagtitigan siya sa akin at sinalubongan ko siya ng mga kilay, siya nama'y napatakip sa bibig at natawa kaya napa-ngiti ako sa labi.







My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon