Chapter 1

3.5K 48 3
                                    

UNANG KABANATA:

Nabuong Kwento



2012

"Inay nandito na si Itay!" Sigaw kong abot tenga ang ngiti at tumakbo para salubongin si Itay at mga kaibigan kong sina Lawin at Maya.

Agad akong nagmano kay Itay at nagkulitan sa aking mga kaibigan. "Kumuha din kayo?" Tanong ko kina Lawin at Maya nang makita ko silang naka-hawak ng sakong puno ng manggang hinog.

"Oo naman...para busog tayo!" Sabay nilang sagot.

"Tsaka anak darating din dito si Tiyo Santiago niyo..." sambit ni Itay.

"Oo nga pala...may matutunan na naman tayong kaalaman..." humakbang na kami papasok sa bahay.

Ako si Agua Adhika Paraluman, labing-pitong taong gulang, maganda...pero hindi ko alam kung maganda ba talaga ako, meron kasi akong mga bilog-bilog sa mukha 'di ko alam ano itong mga 'to, at may mga maliliit na kulay dilaw ang lalabas. Ang aking mga buhok nama'y subrang gulo't kulot na kulot, sabi nila biyaya daw ang mga ito sa akin kasi ako lang ang meron, kaya hindi ko nalang pinakaalam.

Ang mga magulang ko ay sina Ligaya Adhika at Datu Paraluman, masaya akong sila ang naging mga magulang ko kahit na hindi nila ako tunay na anak, oo inampon lang nila ako. Nailigtas nila ako sa isang trahedyang nangyari, pero kahit ganun pa man itinuri nila akong tunay na anak, sabi ko sa sarili, kahit matagpuan ko ang aking mga tunay na magulang, sa kanila pa rin ako babalik.

Ang aking mga kaibigan naman ay sina Lawin at Maya Rajah. Sila ay magkapatid, si Lawin ang nakakatanda labing-pito at si Maya ay labing-anim na gulang, ang aming mga magulang ay malalapit na mag-kaibigan. Tabing-bahay lang, nagdadamayan at nagtutulongan. Namayapa ang kanilang mga magulang noong sila'y pito at anim na taong gulang, ipinag-katiwala sila sa amin. Ngayon kami naman ang bagong henerasyon ng pagka-kaibigan.

Kami ay naninirahan dito sa pinaka-magandang lugar sa Pilipinas, itong pinaka-magandang lugar para sa amin kasi ito lang naman ang alam namin at natirhan, pero maganda talaga...walang iba kundi, Daang Kalikasan, Mangatarem Pangasinan. Pangalan pa lang panalo na, dito na lumaki sina Inay at Itay hindi namin sinubukang lumipat pa kahit saan, masaya na kami dito, malayo sa gulo at sa mga tao.

Taon-taon libo-libong pumu-punta dito, kasi gusto nilang makita ang ganda sa lugar at ang daanang mahaba na wala kang ibang makita kundi mga bundok at kalikasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Taon-taon libo-libong pumu-punta dito, kasi gusto nilang makita ang ganda sa lugar at ang daanang mahaba na wala kang ibang makita kundi mga bundok at kalikasan. Sabi nga nila, ito yung lugar na kalikasan lang ang meron.

Hindi nila kami nakikita kaya hindi nila alam na may mga tao palang nakatira sa kanilang binibisitang lugar, tsaka ayaw din naming magpakita dahil baka ano pang gawin nila sa amin.

Sa napakaraming bumi-bisita dito, isa lang ang inaabangan namin, si Tiyo Santiago Brown, apat na pitong taong-gulang. Tinuturi niya kaming pamilya ganun din kami sa kaniya, at malaki ang utang na loob niya sa aming mga magulang.

Kwento sa akin nina Inay at Itay, nong si Tiyo Santiago ay pitong taong-gulang isinama siya ng kaniyang mga magulang rito para mamasyal, pero sa subrang dami ng mga tao ay nawala siya't naligaw.

Isang araw naghanap ng mga prutas ang aming mga magulang, natagpuan nila siyang nakatulog sa bangin napaka-payat at madumi, naawa ang aming mga magulang kaya inuwi nila siya kasama ang mga dalang prutas. Siya'y pinakain at ina-alagaan.

Mahigit dalawang lingo din siyang nasa bangin, wala siyang nalapitang tulong, maraming beses siyang sumigaw pero walang dumarating dahil i-pinasirado muna ang Daang Kalikasan, malayo din ang aming bahay sa lugar kung saan siya na padpad.

Kapag bumi-bisita siya sa amin ay lagi niya kaming tinu-turuan ng mga lingwahing maaari naming marinig kapag kami daw ay makapunta sa syudad, lagi din siyang may dalang kagamitan at pagkain na makikita daw sa Manila gaya ng bigas, cellphone, radio, speaker, upuan, lamisa, dilatang pagkain at marami pa. Pero sa dami ng ulam ay wala pa ring nakakatalo sa aming masarap na pagkain, ang mga prutas. Gaya ng manga, saging, nanka, kamote, marang...at marami pa!





Pag-sapit ng hapon ay nakita naming may sasakyang huminto sa daanang malapit sa amin, ngumiti kaming tumayo ni Maya at Lawin tsaka tumakbo papunta kay Tiyo Santiago at niyakap namin siya.

"Na-miss ko kayo..." higpit niyang yakap sa amin.

"Na-miss din po namin kayo..." sabay naming sagot.

Bumalik kami sa hapag-kainan at nag mano si Tiyo sa kanila Inay at Itay "Kumusta ka Iho?" Tanong ni Inay.

"Okay na okay po Nay at masayang nakabalik dito, medyo isang linggo na ring nakalipas mula nong dumalaw ako rito..." sagot niya.

"O kain ka Iho..." sabay bigay ni Itay ng upuan.

"O sige po, na-miss kong ulamin itong mga prutas..." natatakam na siyang nakatingin sa mga manga't saging.

"Meron pala akong gustong sabihin sa inyo, para sa akin mabuting balita ito hindi ko lang alam kung papayag kayo, pero sana..." dagdag niya.

"Ano 'yon Iho?" Tanong ni Itay.

"Mamaya ko na lang po sasabihin Tay, nasarapan pa akong kumain eh..." natatawa ang tuno ng kaniyang boses.




Pagsapit ng gabi ay nag tipon-tipon kami sa labas ng bahay gaya ng lagi naming ginagawa bago matulog, sa gitna ay may mga kahoy na uma-apoy para mag silbing ilaw, at nakaupo kami sa upuang dala ni Tiyo Santiago.

Napabuntong-hininga si Tiyo "Makinig kayo ng mabuti sa akin," nagtataka kami sa itsura niya dahil napaka-seryoso.

"Sige Iho, sabihin mo na ang balita na dala mo..." sagot ni Itay.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Isasama ko si Agua sa Manila..." sabi niyang nagpanganga sa aming mga bibig.

Kumunot ang noo ko "Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko.

Napalunok si Tiyo "Pinag-isipan ko itong mabuti kung paano ako makakatulong sa inyo..." sagot niya.

"Makakatulong po? Malalayo po ako sa aking pamilya..." pagkontra ko sa nais niya.

Nakipagtitigan siya sa akin "Ito lang ang paraan upang maranasan niyo mabuhay ng nag tagumpay...Agua kung alam mo lang gaano ka-sarap mabuhay ng marami kang nakikitang nilikha ng Panginoon. Ang lahat ay may kataposan kaya gusto kong masulit niyo ang buhay na ibinigay sa inyo...kailangan niyong maranasan kung gaano kasaya ang buhay." Natahimik kami at dinamdam ko rin ang mga sinabi niya.

"Oo nga po masaya siguro, pero hindi naman po ako maging masaya kung hindi ko kasama ang aking mga Pamilya..." tumayo ako tsaka humakbang pabalik sa bahay.

"Pag-isipan mong mabuti Agua." Sabi niyang nagpa-tigil sa aking paghakbang, nong wala na siyang sinabi ay itinuloy ko ang paglakad papasok sa bahay.






My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon