Chapter 12

840 24 0
                                    

IKA LABING-DALAWANG KABANATA:

A Feelings Bloom






Gabi na akong dumating sa bahay at gutom, oo kumain naman kami ni Bruce pero nagugutom pa rin talaga ako.

Saktong may pagkain sa lamisa "Oi tamang-tama...." dali-dali akong lumapit at kumain ng dalawa.

"Woah ang sarap..." napapikit mata akong kumain dahil sa sarap, lambot at tamis nito.

"Creepygnorant!" Rinig kong taas boses na tawag sa akin ni Barry kaya napalingon ako.

"Sino ka ba para suntokin ako kanina?! Sino ka ba para kainin ang cake ko?! Hindi pa nawala ang inis ko sa'yo eh, dinagdagan mo na naman!" Nagsasalubong ang mga kilay.

Itong Barry na ito nababalyo na naman, akala ko okay na kami kanina, tapos ngayon nag-iibang anyo na naman.

"Ako si Agua, ang bangungot mo. Biro lang, sa'yo bato?" Sabay pakita ko sa kaniya ng bago kong hawak na piraso.

"Mangingi-alam ba ako kung hindi akin. Hindi ako katulad mo. At sa Bruce diyan." Humahakbang siya palapit sa akin.

"Sorry, gutom kasi ako..." habang palapit siya ng palapit iniiwas ko naman ang mga mata sa mga titig niyang parang may sinasabing kakaiba.

"Bakit, hindi ka ba nilibre ng lalaking pinili mong makasama kaysa sa akin?! Palitan mo ang dalawa mong kinain." Galit man ang tuno ng boses niya pero hindi ko damang may galit siya.

Kumunot ang noo ko "Bakit ka nagagalit?! Eh hinayaan mo naman akong sumama kay Bruce. Hindi naman ako sasama kung ayaw mo eh, madali naman akong kausap..." napa-nguso ako.

Lalo ng nakakatakot ang mukha niya "Kasi alam ko namang hindi ka rin niya makukuha sa akin. Taika nga, huwag mong ibahin ang topic. Palitan mo ang cake ko." Toong galit na ata ang halimaw na ito.

Napakamot ako sa ulo "Eh wala akong pambili, pero ibalik ko na lang para hindi ka na magalit sa akin..." iniiwas ko ang tingin sa kaniya.

Taika, himala atang nagmukha siyang anghel ngayon, at kinausap niya ako ng ganito ka-tagal.

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay.


Pinipilit kong ilabas mula sa tiyan ang mga kinain ko at subrang nahihirapan ako.

"Kadiri naman 'tong panget na 'to..." sabay talikod niya at humakbang pabalik sa hagdan.

"H-Hoy saan ka pupunta...? M-Maiilabas ko naaaa..." nahihirapan akong mag salita.

"Ibalik mo na lang sa iyong sikmura..." sabi niyang tuloy sa pag-akyat at nakatago ang mga kamay sa bulsa habang sa itaas ang tingin.

"Paano 'yon...?" Hindi ko na siya nakita at mukhang nakapasok na sa kaniyang kwarto, dali-dali akong pumunta sa kusina at isinuka ang mga pagkaing inilabas.

"Kadiri pala ako noh..." sabi ko sa sarili at kumuha ng baso tsaka binuksan ang gripo ng banggera at nilagyan ng tubig ang baso tsaka inimugmog ko.

Pagkatapos ay umakyat na ako sa hagdan para pumasok na sa aking kwarto, pero tila may nakalimutan ako at pilit kong alahanin kung ano. Mayamaya ay naalala ko ng hindi ko pa pala nalinis ang nailuwa ko sa banggera, pabalik na sana ako nang biglang bumukas ang pintoan sa kwarto ni Barry kaya napahinto ako.








Barry's POV

Lagi kong naiisip ang mga sinabi sa akin ni Agua kanina na nagpatibok sa aking puso, ngayon lang ako muling nakarinig ng salitang responsibilidad sa akin, sa kabila ng ginawa ko sa kaniya nasabi pa rin niya sa akin 'yon.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon