Chapter 19

313 13 0
                                    

IKA LABING-SIYAM NA KABANATA:

Heartful Night







Nahihilo ako, kahit ang pagtayo hindi ko magawa, buti nalang nakagabay sa akin ngayon sina Megan, Bruce at si Barry na kakatapos pa lang sumuntok ng dalawang Hilaw.

"Prrt! Prrrttt!" Napatigil ang lahat nang may nag-aawat sa kanila.

Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas wala na masyadong nakapalibot sa akin, pero ang mga hiyaw ay nanatili pa rin.

Pinagtulongan nila akong itayo "Barry ilabas mo muna si Agua dito sa loob ng field..." sabi ni Sir Sabal.

"Coach palitan niyo nalang muna ako, kailangan kong samahan si Agua sa clinic, " hinaplos ni Barry ang aking ulo at idinapo niya ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"Naku Barry huwag, dito ka lang kailangan ka nila..." inangatan ko siya ng tingin.

"Mas kailangan mo ako..." hinaplos niya ang pisngi ko at bakas sa kaniya ang labis na pag-alala sa akin.

Hinawakan ko ang mga kamay niya "Barry ipanalo mo ito para sa akin, dito lang ako para suportahan ka..." agad niya akong niyakap ng pagkahigpit at ang hiyawan ay napalitan sa palakpakan.



Umalis ako sa gitna ng maluwag na talahiban, sinama nila ako Megan at Bruce sa kinaupoan nila sa itaas habang tuloy lang ako sa paghilot ng sariling ulo.

Pinanood ko silang nagbalik sa laro, kay Barry na may numerong 17 lang ako tumititig. Abot tenga ang ngiti ko dahil nakikita ko siyang tudo-bigay sa laro at napatalon pa kapag nakatama o goal.

Sa subrang galing ni Barry siya nagpanalo sa kanilang koponan, kaya siya'y binubuhat nila at ako nama'y natatakot dahil baka siya'y mabitawan at mahulog, pero syempre labis ang tuwa ko dahil nagawa niyang ipanalo.

Sa dami ng tumayo, humihiyaw at nagpalakpakan ay tanging sa akin lang nakatitig si Barry at ngumiti.

Hindi ko napigilan ang sarili kaya agad akong tumayo at tumakbo pababa sa hagdan na nasa aming kinaopuan. "Agua saan ka pupunta...?" Rinig kong sigaw nina Megan at Bruce pero tuloy lang akong tumakbo.




Muli na akong nakapasok sa talahiban at tumakbo kami ni Barry palapit sa isa't isa at nang makalapit ay sabay yakap ng mahigpit.

"Salamat at dumating ka...alam mo, akala ko hindi ka na darating, pero tinupad mo...nong dumating ka kanina ay agad napawi ang lahat ng pagod ko..." tila naiiyak siyang may abot tengang ngiti na halos ikinapunit na ng labi niya.

"Salamat dahil napanalo mo, pero kahit naman matalo, masaya ako para sa'yo..." sabay trapo ko sa kaniyang mga pawis

Hinaplos niya ang aking pisngi "Dahil 'yon sa suporta mo, I owe it to you." Sabi niya at ngumiti kami sa labi, tsaka pinainom ko siya ng tubig.







Nasa lamisa kami ni Nang ellen at inaalala ko ang mga nakaraang leksyon. Si Barry ay nagpahinga at sarap na sarap ang tulog kahit hapon na, habang ang kaniyang grupo sa laro ay nag diwang ng pagkapanalo, hindi pa rin talaga siya buong nagbago dahil ayaw pa rin niya makihalubilo.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon