Chapter 30

219 11 0
                                    

IKA-TATLUMPONG KABANATA:

Come Back Home






Nauna ng umuwi sina Agua at Barry, samantalang si Kuya Lawin ay nasa loob na ng sasakyang sundo namin at hinihintay ako. Habang ako nama'y kausap pa si Clark dito sa labas ng campus.

"Maraming salamat sa'yo Clark..." pagsasalamat ko.

"Wala 'yon, ginawa ko lang ang tama..." sagot niya.

"Ahm, meron ba akong pwedeng gawin para makabawi sa'yo..." sabi ko na may ngiti sa labi.

Napakamot siya sa ulo "Actually kailangan ko talaga ng tulong ngayon eh...may problema ako..." pinipilit niyang ngumiti ng pagkalaki.

"Baka makatulong ako...anong problema 'yan?" Tanong ko.


"Birthday ko kasi bukas, darating ang mga magulang ko...at nasabi kong may girlfriend na ako kahit wala naman...pinipilit kasi nila akong magkaroon na, pero buong buhay ko ninety precent manuod lang ng movies at mag online games, adik ako diyan..." natatawa siya habang iniiwas ang tingin sa akin, marahil naiilang.

"Happy Birthday bukas! So ano pwede kong matulong?" Tanong ko ulit.

"P-Pwede ba tayong mag panggap na mag jowa...?" Nakipagtitigan siya sa akin pero mayamaya hindi na niya kinaya kaya iniwasan niya ko ng tingin habang todo kamot sa ulo pa rin siya.

Habang ako ay parang nawawala na naman sa mundo na tila ba tumigil ang mundo ko sa mga sinabi niya. Namumula ang pisngi ko na parang sinakop na ng kilig ang buo kong katawan kaya agad akong tumalikod.

"M-Mabilis lang naman, matatapos din...kapag makabalik na sila sa Laguna ay pwede na nating taposin..." dagdag niya.

Ang hindi niya alam ay kinikilig pala ako at pakiramdam ko tumatalon-talon ang puso ko sa saya. Pero may kunting lungkot rin dahil matatapos din pala.



Humarap ako pabalik sa kaniya at nag kunwari akong seryoso. "Pwede ka ba?" Naiilang siya habang pinipilit ngumiti, ako nama'y pinipigilan ang sarili na kiligin dahil subrang cute niyang humiling.

"Bakit may kataposan pa...?" Agad akong napatakip sa bibig dahil sa biglang kalutangan ko.

"Huh? Ano 'yon, hindi ko masyadong narinig?" Tanong niya at nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi niya pala narinig 'yon.

"W-Wala...sabi ko papayag ako..." idinapo ko ang isang kamay sa sarili kong dibdib habang tinitigan ko siya.

Bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay "Maraming salamat Maya..." pagsasalamat niya namay ngiti sa labi.

Subrang sarap sa pakiramdam ang haplos niya sa aking kamay. Hindi ko na napigilan ang sarili, agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako maka paniwala sa nagawa ko. Pero mas naninibabaw ang tuwa nang mayakap ko siya, kaya mas dinadamdam ko ang aming yakap habang ang mga mata ko'y nakapikit.








Clark's POV

Handa na ang lahat para sa kaarawan ko na ako lang din mismo ang nag ayos at decorate. Wala pa ang mga pamilya ko kaya mag-isa pa ako rito sa bahay at naghihintay.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon