IKA LABING-PITONG KABANATA:
He Owe It To Her
Alas kwatro pa lang gising na ako, lumabas ako sa kwarto at abot tenga ang ngiti ko na tumitig sa kwarto ni Agua at hanggang makababa sa hagdan.
"Good morning Nang Ellen! Good morning Kuya Win, Kuya pablo!" Pagbati ko sa kanila na magkasama sa lamisa.
"Good morning Sir...!" Sabay nilang sagot at umupo ako sa kanilang harapan, biglang nanlaki ang kanilang mga mata habang napanganga.
Napahinto si Nang Ellen sa pag sliced ng paminta "S-Sir...Sir binati mo kami, ngumiti ka sa amin, tumabi ka sa amin, o-okay lang po ba kayo...?" Tanong niya at bakas sa kanila ang labis na pagtataka.
Alam kong naninibago sila sa akin "Barry na lang po, kahiya naman 'yang Sir..." napakamot ako sa ulo.
"O-Okayy..." sabay nilang sagot habang sila'y lumapit sa isa't isa.
"Anong nangyari kay Barry? Nag communicate siya sa atin..." bulongan nila habang ako nama'y nakatingin sa labas na may garden.
"Eh dapat masaya tayo dahil nagbago siya, sana nga tuloy-tuloy na..." sabi ni Kuya Pablo.
"Barry tamang-tama may mainit ng tubig..." kumuha ng tasa si Kuya Win at tumimpla ng gatas, tsaka lumapit sa akin dala ito.
"Maraming salamat..." naka ngiti akong nagpasalamat sa kaniya at naninibago pa rin siya sa kinikilos ko pero ngumiti na lang siya.
Pagkatapos kong mainom ang gatas ay agad akong bumalik sa kwarto at naligo. Pagkatapos kong maligo ay lumapit ako sa malaking salamin "The leader is back..." naka ngiti akong tumitig sa sarili habang hawak ang bola at suot ang paboritong football attire.
Maaga akong nag practice sa garden, at minsan nagkakamali, ganito pala kahirap gawin ang bagay na matagal mo ng hindi nagagawa, pero hindi nag tagal bumalik sa dati ang galing ko sa football.
"Barry..." rinig ko ang boses ng babaeng dahilan kung bakit ko ito ginagawa.
Hinarap ko siya "Nagbalik na ako, tupadid mo pangako mo." Saad ko.
Ngumiti siya sa labi "Oo naman, masaya akong tinupad mo, kaya tutupadid ko rin ang pangako ko..." nanatili siyang nakatayo sa pintoan.
"Samahan mo ako rito..." tinitigan ko siya habang nasa bewang ko ang dalawa kong kamay at nakapatong ang isang paa sa bolang nasa grass field.
"Huh, hindi ako marunog..." tumalikod siya at humakbang pabalik sa loob.
Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay sabay hila paharap sa akin, sa subrang agad na pagkahila ko sa kanya ay pariho kaming na outbalance kaya napahiga kami sa grass flied ng garden, siya nama'y nakapatong sa akin. Mabilis ang pangyayari, pero parang slow motion ang lahat.
Nagkatitigan ang aming mga mata "Mas lalo kang gumawapo sa suot mo..." sabi niya.
"Mas lalo ka ring puma-panget..." naka ngiti akong nang-aasar sa kanya at sinapak niya ako sa dibdib.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Novela Juvenil"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...