IKA-SAMPUNG KABANATA:
Childhood Enemy
Barry's POV
Lunch time na kaya marami ng nandito sa canteen, kasama ko sa lamisa sina Koy at Sam habang nasa likuran namin sina Agua at Megan.
Biglang may maingay na babae sa tabing lamisa, kinikilig itong sumisigaw at may hawak na bulaklak na malamang galing sa boyfriend niya. Habang tumatagal ay palakas na palakas ang kaniyang boses at sumabay pa ang mga kaibigan niya.
"Ahhhhhh subrang nakakakilig talagaaaaa..."
Agad akong tumayo at napalingon ang lahat sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya.
"Iyan, maingay kasi..." sabi ni Koy.
"Lagot ka girl, tumakbo ka na...save your life..." rinig kong mga salita ng ibang students na kumakain.
Kinuha ko sa aking bulsa ang scoth tape at tinakpan ang kaniyang bibig at hinahayaan lang niya akong gawin ito.
"Lower your fricking voice!" Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakipagtitigan sa kaniya, siya nama'y hindi makakilos.
Pabalik na sana ako sa lamisa, pero kumunot ang noo ako nang biglang nakita kong papalapit si...Bruce?
"Si Bruce? Nagbalik na siya..." nanlaki ang mga mata ng ilang students dito sa canteen.
"Naku hahaba na naman ang quiz bee, hindi nag papatalo ang dalawang 'yan..." bulongan ng mga babae.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Barry." Seryosong sabi ni Bruce na may ngiti sa labi.
"Babalik ka pa pala." Inangatan ko siya ng tingin habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
"Miss ko na kasi ang numero-uno kong kaaway. Alam mo, sabi sa akin ni Uncle Santiago na ibang-iba ako sa'yo, dahil ako ay mabait, matulongin at masayahin. Kaya pala wala silang oras sa'yo..." pang-iinis niya.
Napakumot ako sa mga palad ko pero pinipigilan ko ang sarili na magalit kahit umiinit na ang dugo ko.
"Don't compare me on you, cause if I were you, I'd wanna be me too!" Bakas sa mukha ko ang pang-aasar.
"And don't forget, karma hit your dad." Dagdag ko at kita na sa mukha niya ang pikon na pikon na habang nakakumot ang mga palad.
Agad siyang lumapit sa akin sabay hawak ng madiin sa tila ng uniform ko "Huwag mong idiin sa papa ko!" Tila umuusok ang ilong niya at nangangalit ang mga ngipin habang inilalapit ang sarili niyang mukha sa akin.
Talagang natutuwa akong makita siyang napipikon sa akin.
Agad akong hinawakan ni Agua at si Megan nama'y kay Bruce "Tumigil kayo, ano bang nangyayari sa inyo?!" Pang-aawat ni Agua at dahan-dahan akong binitawan ni Bruce.
"Huwag kang mangingi-alam dito panget!" Tinaasan ko siya ng boses, sa kaniya ko tuloy nailipat ang galit.
Nanlaki ang kaniyang mga mata "Kaibigan ko si Bruce kaya may karapatan akong ipagtanggol siya!" Sabay tanggal ng kaniyang kamay na nakahawak sa aking bisig.
"Hindi ka lang pala panget, feeling bida ka rin sa isang kwento! Para sa iyong kaalaman, ang tingin ko sa'yo'y nakakasuka ka!" Seryoso ko siyang tinitigan habang nagsalubong ang mga kilay, siya nama'y sumeryoso ang mukha.
Inalis ni Bruce ang kamay kay Megan at palapit sa akin ang nakakumot niyang kamao, pero pinigilan ni Agua ang kamay niya. Sabay isang malakas na suntok ni Agua sa aking pisngi.
Nanlaki ang mga mata at napanganga ang lahat ng mga nasa canteen "Owhhh..." may ibang nailuwa ang nainom na tubig at pagkain na ininguya, at may iba namang napatakip sa bibig.
Parang tumigil ang mundo ko. Sa buong buhay ko wala pang nakasuntok sa akin, siya pa lang. Maging ang mga magulang ko ay hindi ako kayang saktan sa physical, pero isang panget lang pala ang unang mag bakas ng suntok sa mukha ko.
"Unang suntok para sa lahat ng kasalanan mo sa akin! Madagdagan pa 'yan!" Nagsalubong ang mga kilay ni Agua habang nakipagtitigan sa akin, hindi ko kita sa kaniya ang kaba o kahit mabilis na paghinga. Nag walkout siya.
Nakakaasar! Wala man lang takot ang nakita ko sa kaniya! Matapang kang panget ka!
Nilapitan ako ni Bruce "You get what you fucking deserve!" Nanlilisik ang mga mata niya at sinundan si Agua.
Damt it! Panget ang unang naka suntok sa akin!
Minamasahi ko ang aking pisnging sumukit dahil sa suntok ng panget na 'yon, habang si Megan ay nakatitig sa akin "O ano pang hinihintay mo diyan, sumunod ka do'n kasama niya ang lalaking mahal mo..." nanatili lang siyang nakatayo sa aking harapan.
"Kailan ba kayo matatapos?!" Agad siyang bumalik sa lamisa.
Agua's POV
Uwian na at hinahanap ko pa rin si Barry, mayamaya ay nakita ko siyang lumabas na sa tarangkahan at sumama na naman sa mga kaibigan niya, may mga kasama pa silang mag aaral din at mukhang may lakad na naman ang mga ito.
"Naku hindi maaari ito ang dami pa naman nila..." tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanilang harapan.
"Hep hep hep! Saan kayo pupunta?!" Sabay harang ko sa kanilang dadaanan.
"Anong paki mo! Hindi mo kami kilala kaya tumabi ka diyan!" Nilakihan ako ng mga mata sa lalaking ngayon ko lang nakitang kasama ni Barry.
"Isa lang ang kilala ko at siya ang responsibilidad ko! Kaya Barry, paki usap umuwi na tayo, hindi na ako galit sa'yo..." tinitigan ko si Barry na nasa pinaka-dulo at siya'y napanganga at para bang kumikislap ang kaniyang mga mata habang naka titig sa akin.
"Wow, feeling ka rin no! Akala mo magka gusto si Barry sa'yo!" Nakataas ang kilay ng isang babae.
Agad na humakbang si Barry at nagbigay ng daan ang mga kasama niya. Nilapitan niya ako at dahan-dahan niyang hinaplos ang aking kamay, nagtitigan kami sa isa't isa at pinigilan kong mailang dahil sa suntok ko sa kaniya kanina.
"Uwi na tayo." Seryosong sabi niya pero malamig pakinggan ang tuno ng kaniyang boses habang nakipagtitigan ako sa mga mata niyang tila mga bituin sa gabi, at bigla akong nakadama ng panghihina, ano bang meron kay Barry bakit ako nakadama ng ganito.
"Barry patawad sa nagawa ko kanina. Gusto kong malaman mo na kahit gaano pa kasama ang ugali mo may tiwala pa rin akong mabait ka at kahit baliktarin man ang mundo hindi mawawala ang resposibilidad ko sa'yo..." sabi ko habang hawak pa rin niya ang aking kamay at walang kibo na hinila ako.
Saktong dumating si Kuya Pablo kaya binitawan niya ang aking kamay para sasakay na, biglang dumating si Bruce at hinawakan ang aking kamay.
"Agua pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya sa akin Bruce.
"Saan naman?" Napalingon ako sa kaniya.
"Sa masayang lugar...gusto ko kasing magsimula sa masaya ang pagbabalik ko dito sa Pilipinas." Sagot niya.
Ibinalik ko ang tingin kay Barry na seryoso lamang nakatayo, bigla siyang pumasok sa kotse.
"Sige ba..." isinama ako ni Bruce papunta sa kaniyang sasakyan habang lumilingon pa rin ako sa aming kotseng umalis na sakay si Barry kasama si Kuya Pablo pauwi.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Teen Fiction"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...