Chapter 15

227 11 0
                                    

IKA LABING-LIMANG KABANATA:

High League







Agad akong tumalikod at humakbang palayo sa kanila "Barry..." tawag nilang tatlo sa akin at napahinto ako "Barry pakiusap..." patuloy nila.


Muli ko silang hinarap "Ilang ulit niyo na akong kinukulit, uulitin ko rin ang mga sasabihin," sagot ko.

"Pinatawag ka ni coach," sabi ng isa.

"Sinong nagpatawag kay Barry? Barry may nagawa ka bang mali...?" Rinig kong singit ni Agua mula sa aking likuran, tumabi naman siya sa kiliran ko.

"Please Barry...one last time," pakiusap nila, parang mga tota 'tong mga 'to kung magmakaawa.

"Please...? Barry nakikiusap sila sa'yo, kaya pagbigyan mo na..." sambit ni Agua.

Wala akong nagawa "Fine." Walang kagana-gana kong sagot at hinawakan ang kamay ni Agua.

"Yes! Our leader finally give us a chance...paniguradong matutuwa nito si Coach," abot tenga ang ngiti nila habang nagpalakpakan, hinila ko si Agua at sumunod kami sa kanila.




High League, ang minahal kong football team. 12 years old akong nag high school rito sa High University at naglakas-loob akong pumasok sa football team ng school na ito, sa bahay lang kasi ako nag pa-practice ng football at ako lang nagtuturo sa sarili, gusto kong magkaroon ng team para na rin may coach na talagang tuturo sa akin para mas lalong gagaling.

Noong una kinabahan ako dahil kunti lang kaming mga grade 7 na kasali at mas maraming mga senior high at collage, ang iba namang naunang membro ay subrang mayabang dahilan ng pag quit ng iba, pero kilala ko ang sarili na matapang at determinado ako, kaya mas minabuti ko ang pag train ng sarili sa bahay at kahit gabi sa sport center, hanggang nagawa ko nga silang talonin, hindi nag tagal graduate na ang mga mayabang kaya alis na sa team.

Ang masakit, 'yong halos ginawa ko na ang lahat pero hindi ko pa rin narinig sa pamilya ko ang salitang "Suport kita", hindi nila gusto ang pagsasali ko sa football dahil mas dapat daw atupagin ang pag-aaral, nagawa ko namang pagsabayin, pero wala pa rin.

Gusto ko ang football dahil dito ko nailabas lahat ng sakit na nadama at lagi lang kasi akong sumusulat ng story at nagbabasa, gusto ko naman subukan magkaroon ng bagong hobby.

Kalaunan, dahil walang suport akong natanggap mula sa pamilya, ay umalis ako sa team.

Grade 9 akong ibinaon na sa limot ang pagmamahal sa football, tutol ang lahat ng kasama ko sa team lalo na si Coach, maging ang mga papasok sana sa aming team ay umatras dahil ako ang inasahan nilang kasama ni Coach na mag training sa kanila, pero kahit ilang beses nilang sabihin na suportado nila ako, sa pamilya ko gusto tanging marinig ang salitang 'yan.







Pagdating namin sa office ni Coach Alfred Sabal, ako at si Agua lang ang pumasok sa loob naiwan sa labas ang tatlong bagong membro ng team.

Agad na tumayo si Coach at lumapit sa akin sabay abot ng kaniyang mga kamay "Barry maraming salamat at napagbigyan mo ako..." abot tenga ang ngiti niya habang naghihintay ang mga kamay para makipag shake hands sa akin, pero hindi ko magawa at wala lang akong kibo na lumi-lingon sa kaniyang office.

"Nice to meet me sir..." singit ni Agua na abot tenga ang ngiti at siya ang nakipag shake hands kay Coach, habang ako nama'y pinipigilan matawa dahil sa english niya.

"Nice to meet you too, Agua right...?" Nagkasundo naman ang dalawa na parang close na sa isa't isa.

"Sir..." mas lalo lang akong natawa dahil natitiyak kong dinaan na lang niya sa ngiti dahil wala ng alam na english, kailan ba matapos ang shake hands nila.

"Ahem..." singit ko, nagbitawan naman sila ng mga kamay.

"Maupo kayo..." bumalik si Coach sa kaniyang lamisa at umupo.

"Hindi na, hindi rin naman kami mag tatagal," mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Agua.

"Upo tayo Barry ang sakit kaya sa paa ang tumayo lang..." sabi ni Agua habang hinahaplos ang sariling mga tuhod.

Wala na naman akong ibang nagawa kundi sundin si Agua, umupo kami sa sofa na nasa harapan ni Coach. Hawak na ata ni Agua ang buhay ko.




"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Barry kailangan kita sa team," sabi ko na nga ba, ito na naman ang sasabihin niya.

"Wala na akong panahon para sa football," walang kagana-gana kong sagot.

"Pakiusap Barry, may mga nagsipasok man na magagaling, hindi ka pa rin mapapalitan...kailangan ka namin ngayon..." sabi niya.

Kumunot ang noo ko "Kailangan niyo, dahil...?" Tila tumaas ang isa kong kilay habang naghihintay ng sagot.

"Alam mo lumapit sa akin si Principle ngayon, at subrang tuwa ko ng marinig ang dala niyang balita na tiyak kong ikakatuwa mo rin..." abot tenga ang ngiti niya na halos iiyak.

"At ano naman 'yan...?"

Napabuntong hininga muna siya bago mag salita "Tayong High League ang isa sa napiling pambato ng Pilipinas sa Football International Game...! Hindi ba 'yan ang gusto mong maranasan, ang makapaglaro ka sa FIG..." bakas sa mukha niya ang labis na tuwa.


Halo-halo ang nararamdaman ko, may tuwa dahil bata pa lang pinangarap ko ng maging isa kami sa mag-reprisenta ng Pilipinas sa International Game, kaya nang marinig ko ang balitang dito sa Pilipinas ganapin ang FIG ay dinasal kong High League ang isa sa mapiling pambato, kahit wala na ako sa team basta makita ko lang silang na abot ang ganitong achievement okay na ako. May inis din dahil bakit ngayon lang, bakit hindi pa dati na minahal ko pa ng lubosan ang football.




"Dati 'yon, tsaka kayo, hindi tayo..." ngayon nangibabaw sa akin ang disappointed.

"Barry please...respito naman namin ang decision mong mag quit, pero gusto ko lang maranasan mo itong chance na 'to. Ito na o..." pilit niyang inilapit ang mukha sa akin habang tila ninais na hawakan ang aking kamay para mas ma-kombinsi ako.

"Nagbago na po ako, ayaw ko na ng masaya at makihalubilo, gusto ko na ng tahimik na buhay. Kaya pakiusap, tantanan niyo na po ako, marami pa namang magagaling sa akin diyan kaya hanapin niyo na lang..." sagot ko.

"S-Sige...kung 'yan ang gusto mo..." napayuko siya sa ulo at napalitan ng lungkot ang mukha niyang masaya, hinawakan ko ang kamay ni Agua tsaka sabay kaming tumayo.

"Hi!" Abot tenga ang ngiti ni Agua habang kumaway kay Coach.

"H-Hi..." sagot naman ni Coach na pinipilit ngumiti.

"Uwi na tayo..." seryoso kong sabi at hinila siya palabas.

"Bye...!" Nagawa pa niyang lumingon kay Coach at kumaway pa sila sa isa't isa.








My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon