Chapter 29

211 9 0
                                    

IKA-DALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA:

Another Love Story






Kasama ko dito sa dalampasigan sina Maya at Lawin, pinag-diwang namin  ang muling pagsasama. Lumangoy at naglaro kami rito sa dagat. Walang nagbago, gaya padin ng dati ang masasaya naming pagka-kaibigan.

Naikwento na nila sa akin kung paano sila nakarating rito at kung anong naging buhay nila sa Daang Kalikasan mula nong umalis ako. Gaya ko ay tinulongan din sila nina Tiyo Santiago at Tiya Loren.

Ipinatira raw sila ni Tiyo sa syudad na malapit lang sa Daang Kalikasan. At nagpatayo ng tindahan si Tiyo para maging negosyo nina Itay at Inay doon. Habang sina Lawin at Maya nama'y ipinatira ni Tiya sa quezon, kasama ng kaniyang pinsan na nag-ngangalang Sir Diego na gusto ding tumulong sa aming pamilya.

Ang nakakatuwa't nakakagulat ay binibisita ni Tiyo ang mga magulang ko at sina Maya't Lawin sa quezon...nang hindi ko man lang alam at walang sinasabi sa akin sina Tiyo't Tiya tungkol dito. Hindi ako nainis o nag kimkim ng sama ng loob dahil bakit inilihim nila sa akin, bagkus subrang ligaya ang nararamdaman ko.

Sinabi ni Lawin ang dahilan kung bakit hindi nila Tiyo kinu-kwento sa akin, 'yon ay dahil gusto nilang makapag focus ako sa pag-aaral, at sa tamang panahon na ipaalam sa akin. Malaki talaga ang pasalamat ko dahil ibinigay sina Tiyo't Tiya sa amin ng Panginoon.

Parihas kami ni Maya't Lawin na ipinag-aral sa ALS, ang pagka-iba nga lang ay naging lady guard ako ni Barry. Medyo kabado nga ako kapag magkaharap na sina Barry at Lawin, nainis pa naman siya nong na-kwento kong noong una ay masama pa ang pakitungo ni Barry sa akin. Pero na sabi ko naman sa kaniya na malaki na ang pinagbago ni Barry at isang malapit na kaibigan na kami.

Naikwento ko na rin sa kanila Maya't Lawin sina Megan at Bruce na ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan sila, kumusta na kaya sila? Sana nasa mabuting kalagayan sila.




Umahon muna kami dahil may mga magandang balita daw silang sasabihin sa akin. Nakaupo kami rito sa buhangin at nakaharap pa rin sa dagat.

"Ano 'yong good news na sasabihin niyo...?" Talagang excited na ako at hindi na makapag-hintay.

Hinawakan ni Maya ang mga kamay ko at tinitigan niya ako "Una, dito na nila kami ipinatira at manatili pa rin ang suporta ni Sir Diego kahit babalik siya sa quezon. Pangalawa, malapit lang ang bahay natin, nasa iisang subdivision lang tayo...pangatlo, classmates tayo..." sagot ni Maya na napapasigaw at lumilikot pa ang bawat katawan naming dalawa dahil sa labis na tuwang nadarama.

"At, pang-apat, ngayon na ang tamang panahon para ipaalam nila sa'yo ang lahat ng ito..." dagdag niya.

"Ang saya-saya...!" Muli kaming sumigaw dalawa habang magkahawak pa rin ang mga kamay, walang masyadong tao rito kaya walang sumusaway sa amin.

Si Lawin nama'y abot tenga ang ngiti habang natatawa "Sigurado akong nag handa na sila ngayon. Kaya sila ang supresahin natin..." sabi niya.

"Excited ako sa gagawin natin..." pinakbayan ko silang dalawa.








Nasa gate ng bahay pa lang kami ni Maya at Lawin, nakikita naming nakahanda nga sila sa loob.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon