Chapter 25

728 28 0
                                    

IKA-DALAWAMPU'T LIMANG KABANATA:

The Spark Of Our Eyes




Kakatapos lang namin kumain, nasa kanya-kanyang kwarto na kaming lahat. Napagod akong kakatingin lang sa kwarto ko kaya lumabas ako at bumaba sa hagdan. Nakita kong nasa lamisa si Barry na nakatalikod at may sinusulat, agad ko siyang nilapitan.

"Barry? Ano 'yang sinusulat mo?" Tanong ko, pero 'di niya ako sinasagot na para bang hindi niya ako narinig, nanatili lang siyang nagsusulat habang may binabasa ding aklat.

"Barry? Barry ano 'yang nasa tinga mo?" Kumunot-noo akong nakatingin sa kulay asul na bagay na nakatakip sa kaniyang tinga at naka saksak sa kaniyang cellphone.

"Barry?! Barrrrrryyyyy!" Sumigaw na ako ng pagkalakas pero hindi niya pa rin ako naririnig kaya agad kong tinanggal sa kaniyang tinga ang asul na bagay. Pagkatanggal ko ay agad niyang nahawakan ang kamay ko at seryosong nakipagtitigan sa akin.



"B-Barry, pasensiya ka na kung na disturbo kita, pero pwede mo na bang bitawan ang kamay ko..." naiilang ako at pinipilit ngumiti.

Wala siyang kibo habang dahan-dahan niyang inilapit ang sariling mukha sa akin "Sabayan mo ako dito." Sabay bitaw niya sa aking kamay.

"Eh, wala akong alam diyan sa ginagawa mo..." napakamot ako sa ulo.

"Nagsusulat ako ng sariling kwento, dinusturbo mo ako kaya sumali ka na rin dito." Maingat niyang idinapo ang isang kamay sa upuang katabi niya na para bang pinaupo niya ako.

Wala akong magawa kundi ang sumunod nalang, dahan-dahan akong umupo "A-Anong gagawin ko?" Lumingon ako sa kaniya at inabot niya sa akin ang aklat  "Aklat? Eh hindi pa ako masyadong magaling mag basa..." kumunot ang noo ko habang nagdadalawang isip na hawakan ang aklat.

"Huwag kang mag-alala, ibang libro 'yang hawak mo. Wala kang babasahin, mga larawan nadiyan." Sagot niya na nagsusulat pa rin sa kaniyang magarang na notebook.

Hinawakan ko na ang aklat at binuksan ko ito "Wooahhwww...ang ganda..." subra akong namangha sa mga nakapaloob nitong mga larawan ng magagandang lugar, tanawin at kung ano-ano pa.

"Mga lugar 'yan dito sa Pilipinas. Alam kong Daang Kalikasan at Manila lang ang nakita't natirhan mo, kaya tignan mo diyan ang mga lugar na" May ngiti sa kaniyang labi habang nakatitig sa akin, dahan niyang ipinasok sa aking tinga ang kulay asul na bagay.

"Ayy!" Napatayo ako sa gulat nang makarinig ako ng boses galing sa bagay na ito.

"Ano 'yan?! Bakit may taong kumakanta sa loob...?" Nagsasalubong ang mga kilay ko habang nakaturo sa bagay na nahulog ko sa sahig.

Tinawanan lang niya ako "Ito ay earphone. Mas maging maganda kung titignan mo ang mga larawan na may kasamang kanta, huwag kang mag-alala malamig ang boses nitong kumanta." Nginitian niya ako tsaka pinulot ang tinatawag niyang earphone sa sahig.



Bumalik ako sa pagkaupo at maingat niyang ibinalik sa dalawa kong tenga ang earphone. Tama siya, parang naging gumaan ang pakiramdam ko habang nakikinig sa malamig na boses ng babae at nanatili akong tumitingin sa mga larawan.

Lumingon ako kay Barry na seryoso sa pagsusulat at dahan-dahan kong inilipat sa isa niyang tinga ang kabilang bahagi ng earphone at hinahayaan lang niya akong gawin ito.

Tumigil siya sa pagsusulat at sinabayan akong tumititig sa mga larawan habang pariho na kaming nakinig ng awit.


"Agua may tanong ako sayo," bigla siyang nag salita.

Napalingon ako sa kanya "Ano naman 'yon?" Tanong ko.

"Kung mahuhulog ba ako sa'yo, sasaluin mo ba ako?" Nag tanong siyang maamo ang mukha at ang kaniyang boses ay kasing lamig ng hangin.

"Huh? Papaano naman kita sasaluin, eh hindi ka naman mahuhulog, maayos naman ang pagkaupo mo..." nakanguso kong sagot.

Natahimik siya at tila bagsak ang mukha't balikat "Hays, ituloy na nga lang natin 'tong moment natin..." muli kaming bumalik sa pagtitingin ng mga larawan.









Present Day

"Makalipas ang ilang araw, nagbunga ang pinaghirapan ko, nakapasa ako sa elementary level. Pero hindi pa ako sumuko, 17 years old ako nong nag take ulit sa Alternative Learning System o ALS, para kapag pumasa ulit ay diretso na ako sa Senior High School.

Walang araw na hindi ko naiisip ang pamilya ko sa Daang Kaliksan, sa tuwing salubungin ang umaga ay binabati ko sila sa mga ulap na matatanaw ko sa bintana ng aking kwarto, sila ang isa sa mga inspiration ko na magsumikap lalo.

Mas marami na akong natutunan na mga bagay, mga salitang english at hindi na ako masyadong ignorant. Iba pala nagagawa ng education noh...bigla-bigla ko nalang naiisip na itong bagay na 'to hindi ko alam dati, pero ngayon kilalang-kilala ko na. Subrang thankful ako kasi nakapasa ako ulit at official senior high student na, samantalang sina Barry, Megan at Bruce ay first year collage na sa kani-kanilang kurso.

Labis ang tuwa ko na pumapasok na ako sa paaralan bilang isang student at hindi isang lady guard o personal guard. Pero hindi pala madali, nahihirapan ako kasi unang aral ko palang sa paaralan. Subrang busy, panget na nga ako mas lalo pa akong pina-panget sa stress at puyat kakagawa ng mga progects at performing tasks hehehe..."









My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon