IKA DALAWAMPU'T TATLONG KABANATA:
Lovers
Megan's POV
"Subrang sarap ng tulog ko..." kakagising ko lang at inaangat ang mga kamay tsaka nililinis ang mga mata at lumabas sa kwarto.
Lumapit ako sa reef na nasa kusina at kinuha ang pitchel tsaka nilagyan ng tubig ang baso at nagmogmog. Pagkatapos ay may napansin akong ulo ng tao sa lamisa at may mga pagkaing nakahain kaya agad akong lumapit. Pagkalapit ko ay tinitigan ko ang likod niya hanggang sa harapan.
"Taika si Bruce ba ito? Anong ginagawa niya rito?" Mahimbing ang tulog niya sa lamisa na nakatago ang mukha sa kamay na dinadapoan.
"Bruce..." hinaplos ko ang kaniyang ulo, dahan-dahan niya akong inangatan ng tingin.
Nanlaki ang mga mata ko nang ipinakita niya sa akin ang kaniyang mukha "Ay jusmeyo! Anong nangyari sa'yo?" Tanong kong napahawak sa labi. Ang pupula ng kaniyang mga mata at may kunting eyebags pa.
"H-Hi...magandang umaga..." pagbati niyang pinipilit ngumiti at biglang bumalik sa pagdapo ang mukha niya sa kaniyang kamay at balik sa tulog.
Nasa lamisa ako habang si Bruce ay naliligo sa banyong nasa harapan ng kusina. Bumukas ang pintoan ng banyo at bumungad sa akin si Bruce na nakatowelya at pinapahid niya sa sariling mga buhok ang hair towel habang tumititig sa akin, habang ako nama'y namumula ang mga pisngi sa subrang nakakapang-akit niyang katangian.
Dry na tignan ang mga buhok niya kaya inilagay niya ang hair towel sa kaniyang leeg at humakbang papunta sa guest room na sa kaniya talaga lagi nakalaan.
"Subrang hot niya talaga..." sabay kagat ko sa saging at nilunok.
Sabay kaming kumain sa lamisa "Anong nangyari sa'yo? At bakit ka naparito?" Tanong ko.
Seryoso niya akong nilingon "Alam mo naman ang karaniwang dahilan kung bakit ako pumupunta dito." Sagot niyang ngumonguya.
Nanlaki ang mga mata ko "Oh my, na naman..." napatakip ako sa bibig, naku nakakahiya baka ano na naman ang pinag-gagawa ko.
"A-Anong ginawa ko...? Masaba ba?" Tanong ko sabay iwas sa seryoso niyang mukha.
"Ayos lang naman. Gaya ng dati. Kinukulit mo lang naman ako. Hindi pa maayos ang tulog ko dahil ang lakas mong humilik at ang likot-likot mo pa. Lagi mo akong nahuhulog sa kama kaya sa sahig nalang ako natulog..." ngumi-ngiti pa siya sa labi kahit halata namang hindi natuwa.
Nakakahiya 'to. Kailan ba matatapos itong asal na 'to kapag may lagnat ako? Buti na nga lang hindi ko masyadong naalala ang mga pinaggagawa ko dahil mas nakakahiya kung alam ko.
"Hi...!" Panggugulat ni Agua na kakapasok pa lang sa loob ng bahay, si Bruce nama'y napa atras ang upuan dahil sa gulat.
"Ano...hindi ka man lang nagulat..." napanganga si Agua na bakas ang pagkamangha sa akin dahil nanatili lang akong naka ngiti sa kaniya.
"Isa sa dapat mong malaman tungkol kay Megan, ay hindi siya magulatin..." sabi ni Bruce.
Oo hindi ako magulatin, emotionless ako pag dating sa mga panggugulat. Ewan ko kung bakit ako ganito, marami ng sumubok at kung ano-ano na ginagawa nila, no epic talaga, maski si Bruce. Natatawa lang ako sa mga pinaggagawa niya noon, nag susuot siya ng mga costumes at gugulatin ako, pero gaya ng iba ay bigo din.
Nilapitan ako ni Agua "Grabe, hanga na ako sa'yo Megan..." sabay yakap niya sa likod ko.
"Hindi ko inasahang darating ka, ikaw lang ba?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Teen Fiction"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...