IKA-DALAWAMPU'T PITONG KABANATA:
Nakatagong Pag-ibig
Megan's POV
Nanikip ang dibdib ko at ang bigat-bigat ng pakiramdam ko "Hanga ako sa'yo Megan...hangang-hanga ako sa'yo...paano mo nagawang itulak sa iba ang taong mahal mo...paano mo nagawang ngumiti kahit nasasaktan..." wala na akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto at umiyak.
Bumangon ako at umupo sa kama, kinuha ko sa ilalaim ng aking unan ang cellphone at sumandig sa unan, tsaka tinawagan si Agua.
Agad naman niya itong sinagot "Hello Megan...hala bakit ka umiiyak?" Ang excited niyang pagbati ay napalitan ng pag-alalang tuno ng boses.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "Agua nais kong malaman mong Bruce love you. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil mahal na mahal ko siya, pariho ko kayong mahal. Kaya ako nalang ang lalayo upang sa ganun maging malaya ang puso kong nadudurog..." tinakpan ko sa sariling kamay ang aking bibig at sinusubukang huwag umiyak dahil kilala niya akong matapang.
"Pasensiya na Megan, wala talaga akong alam sa mga sinasabi mo...pero ano bang pwede kong gawin para makatulong sa'yo?" Tanong niyang malamig ang tuno ng boses.
Pinipilit kong ngumiti sa labi "Bago ako aalis bukas, pupuntahan muna kita diyan sa inyo para ibigay itong camera ko. Paki-usap ikaw mag bigay nito kay Bruce..." pagkatapos kong masabi ang nais ay tinapos ko na ang tawag.
Agua's POV
Labis talaga ang pagtataka ko kay Megan, maging ang boses niya'y parang napapaos na tila ba galing sa pag-iyak, ano kayang nangyari sa kaniya? Lumabas ako sa kwarto at bumaba sa hagdan at lumapit kay Nang Ellen na nasa lamisa.
"Nang, lagi po akong nagugulohan, ano po 'yong mga naririnig kong love-love na 'yan?" Tanong ko kay Nang Ellen.
Inangatan niya ako ng tingin at naglingon-lingon siya sa paligid "Ganito kasi 'yan, makinig kang mabuti. Sana nga lang hindi ako maabutan ni Sir..." napakamot siya sa kaniyang leeg.
Umupo ako sa tabi niya "Bakit po kung maabutan tayo ni Tiyo...?" Nagugulohan kong tanong.
Napabuntong hininga siyang tumitig sa akin "Ang love ay-" naputol ang kaniyang sasabihin nang makita niya akong nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa kaniyang likod dahil biglang sumulpot si Tiyo.
Napahawak sa sariling mga bewang si Tiyo "Nang Ellen. Akala ko ba susunod ka sa akin..." kalma lang ang itsura ni Tiyo pero ang boses niya'y parang nangangalit.
Tumingin ako kay Nang Ellen at nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakanganga na halos mahulog ang panga, tila kinabahan siya sa biglaang pagsulpot ni Tiyo.
"Bago dumating si Agua dito, hindi ba't sinabi ko sa inyong huwag na huwag sasabihin at bigyang kaalaman si Agua sa bagay na 'yan!" Tumaas na ang boses ni Tiyo, ngayon ko lang siya nakitang nagalit kay Nang Ellen.
Dahan-dahang siyang hinaral ni Nang Ellen "Pasensiya na po Sir..." paghingi niya ng tawad habang nakayuko ang ulo.
Humakbang si Tiyo palapit sa akin at tinabihan ako tsaka bumuntong hininga siya "Agua ang pag-ibig, love, gugma, pagmamahal o ano man 'yan sa iba, ay dapat ihuhuli. Kung gusto mong mag tagumpay sa buhay isantabi mo 'yan at mag focus ka sa iyong mga pangarap na aabutin. Maraming kabataang nasawi dahil sa pag-ibig na mali, ang iba nama'y sinasabay ito sa pag-aaral pero hindi madali. Ayaw kong matulad ka sa kanila, kaya mas makakabuti kung huwag mong alamin, at ipag-patuloy lang ang iyong pag-sumikap para sa pamilya at sa pangarap." Nginitian ako sa labi ni Tiyo habang idinapo niya sa aking balikat ang kaniyang kamay.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Ficção Adolescente"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...