IKA DALAWAMPU'T DALAWANG KABANATA:
Baby
Bruce's POVNakahanda na akong sasakay sa kotse para pumasok na sa klase, pero biglang nag ring ang cellphone ko sa bulsa, agad ko itong kinuha at si Aunte Martha ang tumawag, Mama ni Megan.
"Hello po Aunte." Sagot ko.
"Magandang umaga Bruce...Bruce papasok ka na ba sa klase...?" Ang boses niya'y parang bata kaya natitiyak kong may hihilingan na naman siya sa akin.
"Opo patungo na nga po ako ngayon." Sabay tingin ko sa relo kong na nasa kabilang kamay, malapit na magsimula ang klase.
"Ahm, Bruce pwede ka bang pumunta dito sa bahay..." sabi niya.
"Bakit naman po?" Tanong ko habang nakatingin sa mga ulap, pero may idea na ako kung bakit niya ako ipapapunta sa kanila.
"Si Megan nilagnat..." sagot niya at inilayo ko ang cellphone sa aking tinga at napabuntong hininga.
Sabi ko na nga ba. Tsk, ito na naman, magiging stress na naman ako ngayon.
"Papunta na kasi kami sa trabaho...at alam mo bang hinahanap ka niya..." dagdag niya.
Tsk, ako naman talaga lagi niya hinahanap kaya hindi na nakakagulat 'yon, wala na naman akong takas ngayon.
"O-Opo sige po, papunta na po ako diyan." Sabay patay ko sa tawag at sumakay na sa kotse.
"Kuya sa bahay nila Megan." Sabi ko kay Kuya June, matagal ko ng personal driver pero ngayon pa nakabalik dahil ipinabakasyon ko siya sa kanila.
Lumingon siya sa akin "Sir, miss niyo na si Megan noh...?" Kinikilig ang tuno ng boses niya.
"Focus on your drive." Seryoso ko siyang tinitigan.
Kaya naman pala hindi sumulpot si Megan sa bahay ko nong kaarawan ko, dahil masama na ang pakiramdam niya. Do'n palang sa pag-uusap namin sa cellphone ay kakaiba na ang boses niya.
Ni-hindi ko alam kung kaya ko ba siyang makasama ng matagal, dahil guilty ako sa pag-iiwas sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Pero bahala na.
Pagkadating ko sa kanilang bahay ay sinalubong ako nina Aunte Martha at Uncle Jake.
"Salamat nandito ka na...si Megan nagsimula na naman ang ugali niya kapag may lagnat..." aligagang sabi ni Unlce habang lumilingon sa loob ng bahay.
"Yup, alam ko na po 'yan. Sige mauna na po kayo, ako na po bahala sa kaniya." Sagot ko.
"Sige Iho maraming salamat talaga, alis na kami..." dali-dali silang tumakbo papunta sa kanilang kotse at umalis na.
Sa labas ng bahay nila ako nakaharap sa may kalsada, hindi ko kasi magawang pumasok.
"B-Brucceee nandito ka na...masaya akooo..." nagsimula na nga si Megan.
Ito ang pinaka-ayaw ko sa kaniya, kapag may lagnat siya ay wala siya sa sarili, para siyang bata na subrang kulit.
Napabuntong hininga ako "Sa'yo masaya, pero sa akin hindi." Hindi ko magawang humarap dahil nasusulyapan ng mga mata ko na nasa pintoan siya nakaupo at binabalot ng mga kumot ang buong katawan.
"Yakapin mo akoooooo...!" Sigaw niya kaya napaharap ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nandito na pala siya sa harapan ko.
Agad niya akong niyakap "Ahhhh mahal kong Baby Boy...yakapin mo si Mommy..." mahigpit na mahigpit ang yakap niya sa akin, subrang pula ng kaniyang mukha at nakakain ko pa ang mga parte ng kumot niya sa katawan.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Teen Fiction"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...