IKA DALAWAMPU'T TATLONG KABANATA:
Let The Show Begin
Agua's POV
Sinama ako ni Barry sa mataas na bahay ay hindi, mall pala tawag nito. Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang mga babaeng magagarang ang suot habang lumalakad sa itaas at pinapalakpakan ng mga taong nasa ibaba.
Nanlaki ang mga mata ko sa subrang pagkamangha "Howowww...anong ginagawa nila diyan?" Ngumi-ngiti ako habang tinitigan bawat ang isa sa kanila.
"Mga models 'yan, ni-representa nila ang kanilang mga suot..." sagot ni Barry na naka tanaw din sa kanila.
"Ang saya naman...gusto ko tuloy sumali sa itaas..." pumalakpak ako at tumatalon-talon.
Lumingon kami sa isa't isa "Dito ka lang bili lang muna ako ng makakain natin, 'wag na 'wag kang aalis dito..." sabi niya.
"Okay..." sagot ko at lumakad na siya palayo.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang bigla nalang sumulpot si Luxy "Hi Agua...pasensiya ka na sa lahat ng mga nagawa ko hah, patawarin mo ako..." mala anghel nitong ngiti.
Ano kayang nakain niya at nagiging tila isa siyang anghel? Pero parang totoo namang humihingi talaga siya ng kapatawaran.
"Ayos na 'yon, napatawad na kita..." sagot kong may ngiti sa labi.
"Talaga...? Gusto kong makabawi sa'yo, kaya ginawa ko ang lahat para mapapayag ang may ari dito na isali ka sa itaas, alam ko gusto mo, kaya ito na ang pagkakataon..." ngiti niya habang nakahaplos sa kamay ko.
Napanganga ako at abot tenga ang ngiti "Talaga ba...? Naku maraming salamat Luxy..." sinabayan din niya akong tumatalon at pumalakpak. Agad niyang itinabi ang nakaharang sa daan papasok at dali-dali akong tumakbo papunta sa itaas.
Nagpagitna ako sa likod ng mga models at ang mga kamay ko'y nakahawak sa aking mga bewang. Humihiyaw at tumatawa ang mga manunuod.
"Ano bayan! Kasali ba 'yang panget sa palabas niyo...?!"
"Ang pangit naman pala nito! Makaalis na nga..." sigaw ng mga manunuod, kaya napaharap ang mga models sa kanilang likuran at nakita nila akong kumakaway sa mga tao.
Sinimulan kong lumalakad na malambot ang katawan papuntang gitna "Ahh!" Sabi ko sabay angat ng mga kamay bilang pagkaway sa mga manununod, muli kong ibinalalik ang kamay sa biwang ko at nagpatuloy sa paglakad papuntang dulo habang nagmamaganda.
Huminto ako sapag lakad at lumingon sa mga models na seryoso pa din ang mga mukha, umagaw sa aking pansin ang isang model na nakaangat ang mukha tsaka nakanganga ng kunti habang kita ang ngipin sa gitna parang ipinayabang niya ang kaniyang labi na lumaki tignan. Subrang nakagandahan ako sa kaniya, kaya agad ko siyang ginaya. Nais kong mas higitan siya kaya mas lalo akong nagmamaganda.
"Boohh...!" Sigaw ng lahat at may ibang nag tapon sa akin ng mga klase-klaseng bagay gaya ng papel, mga balot ng pagkain at marami pa, hindi ko naman alam anong dahilan kung bakit nila ako tinataponan.
"Siguro nagustohan nila ako..." sabi kong ngumi-ngiti habang kumakaway tsaka naghawi ng buhok, bumalik sa mga models at inilabas ang dala kong cellphone.
"Tara picture tayo..." habang inangat ko ang isang kamay at ipinaharap ang bahaging likod ng cellphone.
"Keypad?!" Halos lahat ng manunuod ay nagtawanan ng malakas.
Wala lang akong paki sa mga tawa nila. Ang isa kong kamay ay sa bewang pa rin naka hawak "Gayahin niyo ako hah. 1, 2, 3, Maganda ako!" Sigaw ko at ginaya nila ako sa linyang "Maganda ako!" Sabay nagmamaganda at tsaka nakuhanan ko na kami ng litrato.
Mayamaya ay nakita ko si Barry na hinahanap ako "Barry...! Barry nandito ako! Subrang saya pala dito...!" Tawag ko sa kaniya habang kumakaway at tumatalon-talon, nakita kong ibinigay niya ang mga pagkaing dala sa katabi at dali-daling tumakbo papunta sa akin.
Pagkalapit niya sa akin ay agad niyang hinawakan ang aking kamay bigla namang nawala ang tawa ng mga tao.
Biglang nilapitan ako ng isang lalaking kung kumilos ay mala-babae, hinawi niya ang kaniyang ulo na akala niya ata'y may mga buhok siya eh parang tinalbasan naman.
Bumuntong hininga siya at ang kaniyang hinga ang nangangamoy galit "Sino ka bang panget ka?! Sinisira mo ang programa ko! Nalolorka aketch!" Kumunot ang kaniyang noo at nagsasalubong ang mga kilay niyang paubos na.
Galit man siyang tignan pero kiay naman ang boses niya kaya natawa ako "Pasensiya na po kayo...ngayon lang po kasi ako nakarinig ng nakakatawang boses..." subra akong natawa na halos ikasakit na ng tiyan ko.
"Aba bastos 'tong vhaklang 'to!" Sabay hawak niya sa kaniyang mga bewang at biglang may langaw na dumapo sa kaniyang ulong makinis.
Napatakip ako sa bibig "Hala! Nakikiusap po ako kahit anong mangyari huwag na huwag kayong kumilos o sumigaw..." seryoso kong sabi sa kaniya na tila nanakot at siya nama'y nanginginig ang labi habang dahan na tumango.
Dahan-dahan ko siyang mas nilapitan at ramdam ko ang nanginginig niyang katawan, agad kong sinapak ang kaniyang ulo "Ouch." Mahina siyang napasigaw habang napapikit ang mga mata at ang lahat ng manunuod ay nagulat sa ginawa ko.
"Naku pasensiya na po kayo, hindi ko napatay ang langaw, nakalipad eh..." pag-uumanhin ko.
Minamasahi niya ang kaniyang ulo "My gosh nakakaimberna! Barry ilayo mo sa akin ang bwesitang panget na 'to! Baka ano pang magawa ko sa kaniya! Jusmeyomarimar! Nakakalorka! Ako'y naha-high blood!" Inis na inis siyang tinitigan ako.
Nag uusok ang ilong ko sa kaniyang mga sinabi "Ano sabi mo?! Kung hinahamon mo ako, pwes hindi kita tatakbohan! Talagang papatulan kita!" Sabay lapit ko sa kaniya.
"Come on bring it on! Hindi kita uurongan! At hindi ako natatakot dahil wala ka ng mabubunot na buhok sa ulo ko! Samantalang sa'yo, ang kapal na halos tinitirhan na ng mga patay na daga!" Parihas kaming nangangalit ang mga ngipin at gigil na gigil na ang mga kamao.
Pumagitna sa amin si Barry "Tama na 'yan! Fashion show 'to hindi 'to face to face." Sabay hawak ni Barry sa kanya-kanya naming ulo kaya napatigil kami at dahan na kumalma.
Hinarap niya ang kalaban kong walang buhok "Humihingi po ako ng kapatawaran sa nagawa ni Agua. Pero, wala po kayong karapatan na laitin siya! Just like you, I bully her, but then I realize she has her own beauty, and she's beautiful just the way she is." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, hindi ko man naintindihan ang mga sinabi niya, ngunit sa kaniyang mga mata at titig ay ramdam kong pinagtatangol niya ako.
Tumalikod na kami at humakbang palayo. Inilayo niya ako sa maraming tao, napa-ngiti naman ako nang makitang dali-daling tumakbo sina Megan at Bruce papunta sa amin.
"Agua okay ka lang...?" Tanong ni Megan sabay hawak sa mga kamay ko.
"Kasalanan mo ito eh! Bakit mo pa kasi iniwan si Agua?!" Pagtuturo ni Bruce kay Barry.
Agad kong hinawakan ang bisig ni Bruce "Wala siyang kasalanan, si Luxy nag sabi sa akin na pwede daw ako sumali sa kanila..." sabi ko kaya napakalma siya.
Inagaw ni Barry ang mga kamay mula kina Megan at Bruce kaya napalingon ako sa kaniya "Uwi na tayo..." sabi niya sabay hila sa akin, sumunod naman sina Megan at Bruce papunta sa labasanan.
Nakaharang sa daan si Luxy at naka ngiting tinaasan ako ng isang kilay. Aba may tapang pa talaga siya pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Huminto kami ni Barry at bumitaw ako sa hawak niya.
"Salamat Luxy, masaya akong naranasan makasali sa kanila, ang sarap pala sa pakiramdam, pero-" sinuntok ko ng malakas ang kaniyang ilong.
Halos malipad ang ulo niya "Ouch...!" Napahawak siya sa kaniyang ilong at galit siyang nakatitig sa akin.
Ibinalik ko ang mga kamay ko kay Barry at muli niya akong hinawakan at itinuloy ang paglakad palabas kasama si Bruce. Napalingom kami sa loob at nakitang nilapitan pa ni Megan si Luxy at sinampal ng malakas, tsaka sumunod sa amin.
BINABASA MO ANG
My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)
Genç Kurgu"Ayaw kong umibig, at wala siyang alam tungkol sa pag-ibig, pero napa-ibig niya ako." Agua Paraluman, an ugly girl who peacefully living with her family on Daang Kalikasan, a place that only nature exist. She have no knowledge to some human life, ev...