RTADP Chapter - 33
Labag man sa kalooban ko. Kinakailangan na kasing marinig ng tao ang hinaing ni papa dexter. So here you go--- Chapter 33 for papa dex.
(Dexter's POV)
Sigurado akong sabik na kayong lahat kung ano ang nasa isip ng isang misteryosong taong tulad ko.
Ginawa akong sobrang tahimik at di palaimik ng sumulat neto para kayo mismo ang gumawa ng sarili nyong pananaw sa laman ng isip at puso ko, pero dahil ang lahat ay may hangganan. Oras na para makilala nyo ako.
In reality, there aint nothing special on me. Im still having a 100% human DNA and still blood runs into my body. Tao padin ako sa mga nagtatanong.
"Babes pls, wag mo namang gawin to. Mahal na mahal kita"
"Pero sawa nako sayo, lagi ka nalang nagbabasketball. Inuuna mo pa yan kesa sakin. Kaya ngayon yang basketball ang gawin mong girlfriend"
"Pero babes, sige na please nagmamakaawa ako Dont break up with me"
"No, tama na julius. Ayoko na"
And cut, galing ah sakto yung mga last line nung babae sa last fries ko.
I stood up and start walking away from the break up scene in Jollibee.
Nakakawalang gana ang mga ganong tagpo sa buhay.
Yung tipong nagmumukha kanang tanga, pilit mo pading ipagsisiksikan ang sarili mo sa tao. And that hit me. Kaya nga ayoko sa tanga lalong-lalo na dun sa mga taong likas na talaga sa kanila.
Sayang, di ko pa naman naubos yung cokefloat ko. Tsk
No choice ako. Diretso nako sa school. Kaso pagdating ko lunch break na.
"Dex!" Napalingon ako ng may tumawag sakin.
It's her.
At eto na naman yung pakiramdam na di ko talaga maintindihan pero alam ko minsan ko nang naramdaman.
"San ka nagpunta kahapon? Hinanap ka namin ni clyde e. Pero thank you ha. Magaling nako, Look"
Tumalon-talon sya para ipakita yung paa nya. Kung di naman kasi tanga tong taong to di sana makikita nya ako.