RTADP Chapter - 4

2.6K 74 5
                                    

RTADP Chapter - 4

(Min's POV)

"Thankyou po" pagpapasalamat ko dun sa mga nagtatrabaho dito sa eco park. Nandito kami sa office daw ng boss nila. Ginamot nila yung mga sugat ko bilang first aid treatment.

Nung nagsisisigaw kasi ako at humihingi ng tulong eh saktong may isang kumpol ng naka-green na shirt yung lumapit sakin. Green shirt ata yung parang uniform nila. Dinala nila ako dito tapos inasikaso nila ako. Binuhat nadin ako ng isa sa mga staff dahil may bali talaga ang binti ko.

Kung ano nang nangyari sakin asan na ba kasi si Koeby? Kanina ko pa gustong tawagan pero wala pala akong number niya, chinat ko nadin siya pero hindi naman siya naka online. Iniwan na ata ako ng lalaking yun.

Biglang natigil yung mga pag-iisip ko nang may biglang pumasok sa room.

"Goodafternoon sir Clyde" bati ng mga staff sa kanya.

"Ikaw?" napabalikwas ako nang makita ko yung mukha niya. Pero di siya tumingin or lumingon. Parang wala lang siyang narinig at parang invisible lang ako.

At mas lalo akong nairita nang makita ko yung pair ng itim na sapatos na suot niya. Nakilala ko na agad yung mukha niya pero hindi ako sigurado kunh siya rin yung lalakeng sumigaw sakin kanina. Siya yung lalake sa Tea Block, sa parking lot at pakiramdam ko siya rin yung lalake kanina na sumigaw sakin. Maaring magkamali ako sa sapatos pero once na marinig ko ang boses niya, macoconfirm ko na siya yun.

Teka kanina-binati siya ni ate. At sir ang tawag nila sa kanya.

"I think you can leave now. Ok na naman siya diba?" sabi niya doon sa isang empleyado dito.

Tumango-tango naman yung kausap niya. Ano? Pinaaalis niya na ako? And now I am sure of it, siya nga yun. Kaya  pamilyar sakin yung boses nayun at hindi ko makakalimutan yang leather jacket nayan kahit sobrang init dito sa Pilipinas.

I cant take this anymore.

"Antipatikong lalaking to! Napaka arogante mo talaga. Ikaw yung unang nakakita sakin pero di mo ako tinulungan tapos ngayon halos ipagtabuyan mo naman ako!" sinigawan ko siya na ikinagulat ng mga staff. Dahilan para din makuha ko ang atensyon niya, at dahil doon napatingin siya sakin.

Pero biglang nawala yung tapang ko nang tumingin na siya sakin. Noong una ko siyang nakita sobrang amo ng mukha at mata niya na parang bagong gising doon sa parking lot ng mall pero bakit kakaiba ang mga mata niya na nangangain ng presensiya. Nakakanginig ng tuhod ang titig niya na sobrang overpowering. Parang tumakas ang kaluluwa ko at nagwala dahil sa creepy at nakakaintimidate niyang aura. Dahil sa isang titig lang, who the heck is this persona. WTF! Natulala na ako dun at natahimik ang lahat.

Parang tinutunaw niya ako  sa ginagawa niyang pagtitig sakin. Nakakatakot. Konti nalang bibigay na sana ako nang biglang nag kumatok sa pinto at iniluwa nito si Koeby.

Thank goodness.

"Min, are you okay?"

Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako nang mahigpit. Bakas din sa mukha niya ang pagaalala sakin.

"Yeah I'm fine. Thankbyou keropi"tapos kumalas ako sa pagkakayakap. I smiled at him for a moment then niyakap ko uli siya.

"Thankgod your fine. Kung saan-saan na kita hinanap buti nalang sinabi sakin nung-"

Hindi na natapos ni Koeby yung sasabihin niya kasi naman yung antipatiko halos sirain yung pinto sa pagsara nito. Mabuti na nga lang at dumating si Koeby at umalis na yung antipatikong yun. Nakahinga na ako ng maluwag.

Nagpasalamat kami kila ate at kuya na mga staff dito at nagpaalam nadin tapos umalis kami ni Koeby.

"You know what keropi, he's annoying" kwento ko kay Koeby habang pauwi kami.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon