RTADP Chapter-2

3.8K 83 8
                                    

RTADP Chapter-2

(Min's POV)

"Ma, order ka pa ulit ng isang cheese cake please" pagmamakaawa ko sa mama ko. Naubos ko na kasi yung dalawang slice ng cake na inoder niya a while ago and I am still craving for another badly.

"Kaya ka tumataba eh, ang takaw takaw mo! Bakit hindi ka tumulad sakin oh, sexy and beautiful" Sus. Gutom naman kasi kaka-mantain ng figure, hindi na kumakain. No way, I'd rather be fat than restricting myself from eating all my favorite foods.

"Ayoko nga, mas mabuti nang kumain at maging mataba" sagot ko kay mama ng matahimik na siya.

To my surprise tumahimik nga siya bigla, na para bang nag-iisip siya ng malalim habang titig na titig ito sakin. Don't tell me tumino na ang nanay ko?

"Anak, are you really okay?" natigil naman ako sa pagsubo ng cheese cake dahil sa tanong ni mama. Pangalawang tanong niya na yun sa araw nato, baka this time hindi ko ito maiwasan.

"Para kasing never mo pa namention sakin na gusto mong tumaba? You're particularly strict on mantaining your figure. Ngayon ko lang narinig sayo yun" And it hit me.

Oo nga pala, nakalimutan ko na dati halos ikamatay ko rin ang pagdidiet para sa kanya.

I smiled at her.

"Ma, for a change naman. Narealize ko na mas importante ang mas maging masaya kesa maging perfect." Nakahinga ng maluwag si mama sa narinig niya sakin. She smiled at me and pat my head.

"That's my girl" aniya

It was very hard for me.

Pero dahil nandyan si mama, everything seems to be fine. It has been 3 months, at napakafresh pa sa alaala ko ang lahat ng nangyari noon. My world start crushing down, and I feel so empty but I know I can get over it. Soon.

After naming kumain, umuwi nadin kami dahil halos past 6 na. We stayed too long at Tea Block at halos hindi na namin namalayan ni mama ang oras.

Pagpunta namin sa may parking lot sa area kung saan namin pinark yung kotse, biglang napasigaw si mama ng may isang lalake ang nakahandusay sa tapat ng isang itim na sasakyan katabi ng sasakyan namin.

"Ohmygod what happened here?" kinakabahang sabi ni mama.

Medyo lumapit ako kay mama para makita ko yung lalake. Pero hindi ko makita masyado yung mukha niya dahil nakasubsob ito sa semento. Nakaitim ito na leather jacket at itim na pantalon.

Jusko? Teka ano ba tong nangyayari samin? Naggrocery lang kami pagkatapos ito yung mangyayari! Ano ba to? Bakit ba nakahiga to sa kalsada?

"Min, dito ka lang ha. Tatawag ako ng security guards para humingi ng tulong" paalam sakin ni mama pero kumapit ako sa braso niya dahil sa takot ko. Baka kung anong mangyari habang wala si mama, sobrang kinakabahan at natatakot ako.

"Hey, hey it's okay anak. Nandito lang si mama, mabilis lang to okay. Watch that man for me ha, baka kasi kung anong masamang nangyari dyan sa lalake kaya tutulungan natin siya okay?" tumango nalang ako sa sinabi ni mama. Hindi namin pinakealaman yung lalake dahil natatakot kami ni mama na baka kung anong gulo ang pinasok niya at baka madamay pa kami. Kaya napagdesisyunan nalang namin na humingi ng tulong sa security guard na nasa may entrance nung mall.

Pinaiwan naman ako para may magbantay sa lalake at baka may kung anong masama pang mangyari kapag iniwan namin siya.

Tiningnan ko nalang si mama habang tumatakbo siya papalayo sakin. Maluha-luha ako nang maiwan akong mag-isa dito sa may parking lot kasama itong lalakeng nakahandusay sa lupa.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon