RTADP Chapter - 22

1.4K 46 12
                                    

RTADP Chapter - 22

(Min's POV)

Goodmorning :))
Ang aga kong nagising ah. Kasi--IM SUPER EXCITED.

Mas lalo pakong naexcite kasi surprise daw kung saan yung tour.
San kaya?

Baka sa Mt. IceCream, isang bundok na bumubuga ng icecream.

O kaya sa leche forest, kung saan may mga tumutubong lecheplan.

Baka sa Chocolate Resort Grande, na may swimming pool na chocolate.

Pwede nadin sa Lolli Island, isang isla ng lollipop.

Waw. Masaya dun sa mga naisip ko diba?




Bumaba nako sa sala tapos kumain habang si mama ayan nagdradrama. Alam nyo na gustong sumama.


"Bye ma, ingat kayo dito okay. Wag kayong lalabas ng bahay ng sobrang ikli ang suot at dont entertain poging strangers okay?"

"Kahit yummy yung strangers?"

"Kahit yummy, NO. Okay?"

Ay nako. Parang bata talaga etong si mama.
Diba siya dapat yung nagbibilin sakin. Tas biglang baliktad. Well, mas diciplined kasi ako. Hehe.



"O sige ma, adyan na sila violet. Una nako" -kiniss ko sya sa noo at ayun lumayas nako.



"Hi nami, hi vii"-bati ko sa kanila tas sumakay nako.
Si vii ang nagdadrive sya marunong eh. Tapos nagkwentuhan lang naman kami. Chika tungkol sa dala namin.


Papunta kami kila clyde doon meeting place ng SC. Hindi kami sasabay dun sa bus. Van nalang nila dexter yung gagamitin namin.
Si courtney,malamang nandun sa van na dapat sasakyan naman namin talaga.

Pagdating namin dun sakto kadarating din lang pala nila eros.


Sabay-sabay na kaming pumasok.

"Goodmorning ser Jiro"-bati ng isang katulong.

Hindi ko alam may katulong pala si clyde.

"May katulong pala si bakulaw?"

"Ah hindi, labandera lang nya yan"-nami

Nag-ahh nalang ako.


"Ser natutulog papo ata e."

"A sige kami nalang ang gigising" -tapos dumiretso sila yuki sa tapat ng kwarto ni clyde.
Kami naman pinapanood lang namin sila.

"HOY! Clyde bumagon ka na dyan *tok-tok-tok* HOY!"-nagkakakatok si eros

Salitan sila sa pagkatok pero wala padin.
Pasukin kaya nila?



Lumapit ako sa kanila.

"Pasukin nyo kaya?"
-nanlaki ang mata nila except dexter na pokerface lang

"Are you kidding? walang pinapapasok si clyde na kahit sino dyan. Magkamatayan na wag lang mapasok yan!"- sabi ni yuki

Teka? Kung wala edi siguro ako palang ang nakakapasok dyan. Malamang dahil ayaw nyang may makakakita ng mga pusa sa kwarto nya. *smirk*

Tingnan natin kung di ka pa babangon dyan.

"HOY BAKULAW KAPAG HINDI KA BABANGON DYAN LALABAS ANG BAHO NG MGA PUSA"-sigaw ko



Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon