RTADP Chapter - 32

1.2K 42 7
                                    

RTADP Chapter - 32

(Eros' POV)

"Mukhang natauhan na sya dude, ang galing natin"-jiro

"Ang engot naman kasi ng kaibigan nyong yun, halata namang may gusto kay min e"-koeby

"Hanep pre, pang pamas yung acting mo kanina"-yuki



Napangiwi ako.

Tama kayo.

Lahat ng pinagusapan namin kanina dito sa bahay ni jiro, scripted.

Sila ang nakaisip nito. Sumali nadin ako hindi para gisingin si clyde, kundi para masabi ko yung totoo.


Na gusto ko si min. Seryoso ako sa sinabi ko at gusto ko syang ligawan kahit na alam kong pareho kami ni clyde.


"Seryoso ako dun"-nagulat sila sa sinabi ko.

Tapos lahat sila tumingin sakin na parang nagtataka yung mukha.


"Seryoso ako na gusto ko si min at liligawan ko sya"-nang sabihin ko yun ganun padin ang reaksyon nila.

Yung mga mukhang tila di naniniwala.


Pero totoo, kung magiging kahati ko si clyde kay min.

May the best man win.



Matapos nung usapan, pumunta nako ng school.


Gusto kong alamin kung gumawa na ng paraan yung karibal ko.

Dahil kung hindi, uunahan ko na sya.


Hinanap ko si min, pero di ko sya makita.

Nung pinuntahan ko naman sya sa room niya, wala sya.



Naghanap pako kung saan-saan at halos malibot ko na ang school nang may napansin ako sa malapit sa CR ng mga babae.





Hindi ko masyadong makita pero parang kailangan ako dun.


"Tama na courtney, please tama na"

"Ang bobo mo kasi. Ang bobo nyo, alam nyo yun. Ang simple lang nang pinapagawa sa inyo palpak pa, mga tanga"


"Sorry na kasi, please t-tama na"



Sya na naman pala.

Kahit kelan talaga puro gulo at away ang dala ng babaeng to. Hindi lang pala mga bida ang inaaway niya pati din pala tong mga kakampi nyang antagonist.

Labag man sa kalooban ko, oo na tutulong na ako.

Inilagaya ako sa scene na to para tulungan sila e :3



Lumapit ako nung sasabunutan nya na yung dalawang babae.

Iniharang ko yung kamay ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.


"Wag kang makialam dito"-sabi nya

"May video ako na sinasaktan mo sila, kapag nilabas ko to suspension na naman ang aabutin mo. Ngayon pumili ka, aalis ka kasama ang phone ko o aalis ako dala ang cellphone nato?"- pagbabanta ko sa kanya.


At dahil matalinong babae, kinuha nya ang cellphone ko at umalis sya sa lugar na iyon.



"Pasalamat kayo mga bruha"- pahabol nya pang lintanya saka umalis



Ibinalik ko naman yung tingin ko sa dalawang babaeng nasa may paanan ko.

Lukot na lukot yung mga damit nila , gulong gulo yung buhok, nakatali yung mga paa at kamay nila, at ang dumi dumi ng buong katawan nila.


Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon