RTADP Chapter-7

2.3K 61 8
                                    

RTADP Chapter-7

(Min's POV)

"Min, bilisan mo tara na" ayan na naman po si Nami at excited na excited na makasama ako. Pwede ko na bang palitan si Koeby, I found my new best friend at yun ay walang iba kundi si Nami. Pero joke lang syempre, pareho ko nalang sila bestfriends. The more the merrier diba.

"Yes pwede wait Nami!" aligaga kong tugon kay Nami habang inaayos ko yung mga gamit ko.

Yes super friends na kami ngayon ni Nami but unfortunately hindi man lang kami magkaklase sa kahit isang subject man lang. And what's worst? Si clyde-bakulaw-panget-mukhang pwet ang classmate ko sa halos lahat ng subject ko.

At si Eros sa isang subject ko lang kaklase. Hays. Atleast naging classmate ko siya diba.

Yung bakulaw na yun na sobrang nakakainis, nakakabadtrip at trip akong laging hiyain sa madaming tao ay sabi Nami ay natural na daw sa Kuya Clyde niya. Heard it right!

Kuya Clyde
Kuya Jiro
Kuya Yuki
Kuya Dexter
Kuya Eros

Flashback

"Hi Nami!" napanganga nalang ako nang makita ko na si Eros na nasa harap ko.

"Hello Kuya Yuki" sagot ni Nami dun sa bumati sa kanya.

Sila nga yun, yung limang nakita namin ni mama sa Tea Block. Yung limang lalakeng pinagnasaan ng mama ko.

"You!" -masayang sabi nung isa nilang kasama. Tapos napatingin silang lahat sakin. Ngumiti yung tatlo. Pero walang reaction yung dalawa. Sino pa ba? Yung nakasalamin tas si bakulaw. Si bakulaw kasi pareho kaming allergic sa isa't isa yung nakasalamin dahil feeling ko wala naman siyang pakealam sa mundo eh at nasa librong hawak niya yung atensyon nito.

"Hi Yasmine!" bati sakin Eros ewan ko nalang pwero dahil sobrang kinikilig ako baka pulang-pula nako dito. Ngumiti naman ako at nag- Hi din pabalik sa kanya.

"At balak mo pa akong unahan pre" aniya nung lalakeng bukas ang 3 butones ng polo na suot niya na kulang nalang maghubad na siya. School kaya to, hindi club.

"Kasalanan ko ba na mauna akong makakita" sumagot naman si Eros sa kanya, at talagang sa harapan ko pa sila nag-uusap. Enekebe Eres kenekeleg eke! Pabebe na sa pabebe pero wag niyo naman akong pag awayan ng ganyan, Eros naman eh masyado mo naman akong pinaglalaban eh. Sige Yasmine, magassume ka pa. Sige.

"Pre ako yung nauna kaya pre maghanap ka din ng iyo" mukhang nagkakainitan na sina Papa Eros at yung friend niya pero wala lang sa iba niyang kasama. Magpapatayan na ba sila dahil sakin, feeling ko kailangan ko silang pigilan dahil in the first place ako yung dahilan ng pag-aaway nila.

"Uhm excuse me, I'm sorry pero kahit na pareho kayong gwapo hindi ako pwedeng pumili sainyo sa ngayon kasi kakakilala ko lang sa inyo ngayon tapos nag-aaral pa tayo saka hindi pa kayo kilala ng parents ko but we can be friends naman" pagputol ko sa bangayan nila pero lahat sila nakatulala lang sakin. Bakit ba? Ano bang mali sa sinabi ko? Masyado ba akong rude dahil nireject ko silang dalawa at the same time.

Naweweirduhan na ako dahil sa mga kakaibang tingin nila sakin ng bigla maputol yung katahimikan dahil unang tumawa ng malakas si bakulaw. Sobrang tawang-tawa siya habang nakatingin sakin, ano na naman bang problema ng epal na to? Hindi ba siya makapaniwala na pinag-aagawan ako ng mga kaibigan niya? The nerve, kala mo kung sino siya.

Pero maya-maya pa ay nagsimula naring magtawanan yung iba niyang kasama, pati si Eros at Nami tumatawa narin. Now what? Lumapit sakin si Nami na pilit na pinipigilan yung sarili niya sa pagtawa pero hindi niya halos magawa iyon.

"Min you got it wrong, nag-aaway sina Kuya Jiro at Kuya Eros sa piso na napulot nila sa hallway. They have this thing kasi na kapag sino man sa kanila ang makapulot ng barya anywhere habang magkakasama sila, pwede siyang magbigay ng isang dare sa apat na hindi nakapulot ng barya. Bale, whoever finds a lucky coin will be their King for the day kaya ganun sila mag-agawan" paliwanag naman sakin ni Nami.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon