RTADP Chapter - 44

571 21 2
                                    

RTADP Chapter - 44

(Min's POV)

"Min okay lang ba kayo?" Agad kaming sinalubong nila Vilolet at Jiro

"Ey dude, ano bang nangyari sayo? Diba sabi ko namang wag mo nang patulan yung mga ninja ni Aunt Cecilia" tinulungan ako ni Jiro sa pag-alalay kay bakulaw

"Napuno nako kaya pinatikim ko na yung mga unggoy" mayabang naman na sagot nitong kasama ko

" Umabot ba kami?" Tanong ko kay Yuki

"Oo, umabot naman kayo sa oras. Unang lumabas sina Dexter at Scarlet tapos si Koeby at Nami tapos halos kalahating oras bago kayo nakalabas, ano bang nangyari?" Kwento ni Yuki

" Mahabang kwento, teka asan s-" natigilan ako nang may biglang pumalakpak

*clap-clap -clap*

" Magaling mga hijo, hija. Natutuwa ako na lahat kayo nagawang makaalis sa garden maze. Kaso hindi pa ito ang finale" tapos tumawa na naman siya.

Nakakainis.
Ngayon, mas lalo kong naiintindihan si bakulaw. Ayoko ng larong gusto nya, nasasaktan na kami. Kelan nya ba ito ititgil?


"Oh Ivan hijo, anong nangyari sa mukha mo?" Bigla nyang binalingan ng tingin si bakulaw

"Kagagawan mo to wag kang painosente!" Bulyaw ni bakulaw




"Ivan dear ,hindi ko gustong saktan ang pinakapaborito kong kaibigan ng aking apo" saka sya tumawa uli

"Pero Congratulations sa inyong lahat. For passing the two consequtive games. Gustuhin ko mang bigyan kayo ng oras para magpahinga , nagbago na ang plano ko. Sisimulan na agad natin ang pangatlo at huling bahagi ng laro."


And with that, may mga bagong lalaki ang umalalay samin.
Pinaglakad kami hangang sa may matanaw kaming helicopter.

Isinakay kami doon.
At maya-maya pa'y umalis na yung helicopter papunta sa lugar na hindi namin alam.

"Aray ko naman, dahan-dahan naman uhugin"

"Ke lalaki mong tao puro ka reklamo"

"Ikaw kaya sa lugar ko. Tss"

"Oo na bakulaw"

Minabuti kong gamutin ang mga sugat ni bakulaw dahil hindi ko naman kayang pabayaan siya ng ganto. Kaso takte ang arte na naman niya, nakakainis.

"Last game na to guys! Kaya natin to! FIGHTING!" sigaw ni Jiro

"FIGHTING!" and we all replied in chorus




*YAAAWN*
Naalimpungatan ako nang biglang may ingay akong narinig.
Ako lang pala ang gising, at lahat pala kami nakatulog. Maya-maya pa'y nagising narin tong katabi ko tapos pati narin ang iba naming kasama.
Ilang minuto pa ay nandito na kami sa lugar na sinasabi ni Tita.
Pero sa taas kita namin yung malaking pader na nakapalibot sa isla. Pagbaba na pagbaba namin, sinalubong agad kami ni Aunt Cecilia.

"Ladies and gentlemen welcome sa ating Game Arena" pamungad niya
"Our last game's mechanics is simple as everyone is your enemy. Isantabi niyo muna yung friendship niyo because you will be fighting each other." Tapos tumawa na naman siya. Hindi to magiging maganda.

"Pero dahil hindi okay ang iba, gawin nating by team ang laban. You'll be fighting by pairs at ang mga babaeng napanalunan nyo ang syang magiging partners nyo. Yuki and Eunice, Jiro and Violet, Dexter at Scarlet, Koeby and Nami, Eros at Stacy, lastly my dear Ivan and Yasmine" sandali nyang iniwan yung mga tingin nyang iyon sakin tapos nagpatuloy sya sa pag eexplain.

"Bawat teams kelangan isuot ang key necklace na to" pumasok yung isa sa ninja niya na hawak yung mga kwintas. Iniabot niya ito sa aming mga babae sa utos nadin ni Aunt Cecilia.

"Kelangan nyo lang kunin ang lahat ng kwintas sa lahat ng possibleng paraan. You also need to survive the whole night in the wild and syempre you need to hunt your own food. Kung malinaw na ang lahat, players ready?"



Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
Hindi ko kayang saktan sila Nami at Violet o kahit sino man sa kanila but still this is a game. Kung di namin aagawin yung mga keys, baka matalo kami.

"Let the game begins" isang putok ng baril ang naging hudyat ng laro.


Tumakbo sila Jiro at Violet sa kabilang bahagi ng isla. Kasunod nila sina Koeby at Nami tapos si Dexter at Scarlet. Nauna sa daan tinutungo namin yung iba pa samantalang nilalakad namin ni bakulaw yung papasok sa gubat.

"We need to win this fcking game" seryosong sabi ng katabi ko

"Oo kelangan nating manalo" spirit lang to! Kaya namin to ni bakulaw.

Nagsimula nadin kaming tumakbo papasok ng arena pero bago pa kami tuluyang lamunin ng dilim ay napatingin ako pabalik sa kinatatayuan ni Aunt Cecilia. Nabigla ako nang malinaw kong nakita na bigla nalang nawala parang bula si Aunt Cecilia.
Umiling ako. Ano ba yasmine, nagdedeliryo kana. Impossible naman ata to.



Then suddenly nasa loob na kami ng gubat. Sobrang nakakatakot dito, una dahil di namin alam kung ano pa ang haharapin namin dito at isa pa natatakot ako sa mga mangyayari samin sa buong gabi.


Kinakabahan ako. Parang kakaiba ang nangyayari.

Pretty Author's Note:

Nagbabalik ang nagmamagandang bampira. H I!
Magpopromote lang ho sana ako dear fabulous readers.

Sinong fan ng 5SoS dyan? Taas kamay at magmaganda tulad ko.
May fanfic kasi akong ginawa, I am planning to write a story for all of their songs. Hopefully nga magawan ko lahat but may nasimulan nadin ako so, yun.
Please check it out, Heartache in the Big Screen.
Di ko naman kaya pinipilit, onti lang haha.

Love yaaah ❤️❤️❤️💋

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon