RTADP Chapter - 49
(Min's POV)
Ramdam ko ang liwanag na pilit inaangkin ang natitirang parte ng kwarto na kinalalagyan ko, yoong liwanag na tumatama sa nakapikit kong mga mata wari'y sinasabing gumising at bumangon na ako mula sa malambot na kamang ito. And so I did, i opened my eyes and strech my arms and feet. Napakahimbing nang tulog ko at napakasarap sa pakiramdam nang magising nang payapa ang buong paligid.
I rolled into the other side of the bed, enough for me to see if his still sleeping on the sofa. Pero wala na siya doon, nagising siguro ng maaga, baka kumain. Teka, grabe naman siya ni hindi niya man lang ako ginising para kumain din. I scoffed. Ang oa ko na naman mag-isip eh. Bumangon nako bago pa man ako mag-isip ng mas oa doon, i headed into the bathroom to fix myself. Naligo nadin ako, and dress up a comfy shirt and shorts. Nakita ko yung T-shirt na regalo sakin ni mama noong birthday ko, ang cute neto kasi mukha ni Finn ang nakalagay.Yeah, a fan of adventure time here! Teka, ba't nga ba nasa labas to ng cabinet ko? Aw anyway, cute kaya eto nalang. Hihi.
*kriiiing-kkriiing* i lift my phone para tingnan kung sino ang tumatawag. Kakatapos ko nga lang maligo at nakabalot pa yung buhok ng towel.
Calling Mama-Panget...
Waw! Tumatawag si mama, yey! I answered the phone as fast as i could.
"Hello ma?" Bungad ko sa kanya
"Helloooo anak kong panget!" I heard her shouting from the other side of the line.
"Ma, sisigaw talaga dapat?"
"Oo nak, miss na miss kana kasi ni mama " she answered in her sweetest tone. Aww namiss ko din yang kakulitan niya.
"Ako din ma namiss ki-"
"Ay nak, mamaya kana mag-i miss you too. Magkwento ka, ano masaya bang kasama sila pogi? Miss ko na nak sila Clyde, iuwi mo na nga sila" Napailing nalang ako, sabi na nga ba at front act lang iyon ni mama. May mga hidden agenda siya sa pagtawag. Ina ko ba talaga ito?
"Mama naman ako yung anak mo, hindi naman sila eh" pagalma ko sa kanya then i heard her laugh on the other side.
"Oo nga pala, sorry naman nak. Naexcite lang akong mangamusta"
"Baliw ka talaga ma, ikaw kamusta dyan? Baka nagboboyhunting ka na wala ako ha, wag ganun ma dapat kasama ako" rinig ko naman yung mahinang hagikhik niya sa sinabi ko.
"Ano ka ba naman, no boyhunting muna syempre kasi walang maiiwan sa bahay. Pagdating mo nalang nak, para maiwan ka dito. Bawal kana kasing sumama babygirl dahil me Clyde kana nak. Oh nga pala, balita ko nasa isang kwarto lang kayo ngayon, pakausap nga sa isa ko pang anak, in the future" natameme naman ako nang bigla niyang sabihin iyon. Alam ni mama, na isang kwarto lang ang tinulugan namin ni bakulaw, nakakahiya. Ano nalang ang iispin ni mama, pero teka anudaw? Okay lang sa kanya? Mama ko nga ito.
"Ma naman, diba dapat magagalit ka kasi sa isang kwarto lang kami natulog."
"Ano kabang bata ka, napaka-old fashioned mo talaga. Wala nang ganyang nanay ano, uso na ngayon ang tiwala sa anak at sa boyfriend nang anak-"
"Hindi ko siya boyfriend ma" singit ko dahil sa andaldal ng dila ng mama ko.
"Ay basta, yun na yun. Okay lang naman sakin na sa isang kwarto lang kayo matulog pero anak ha kasal muna bago gumawa ng baby"
