RTADP Chapter - 45
(Min's POV)
Ano bang pwedeng magawa namin sa isa't isa para makuha ang mga susi? Napaisip ako habang naglalakad kami ni bakulaw sa madilim na gubat nato.
"Hoy uhugin, ayos ka lang?" Natigil ako sa pag-iisip nang mapansin ni clyde na wala ako sa sarili.
"Ah oo, ikaw okay na ba yang sugat mo?" tanong ko
"Oo, ang totoo para ngang di na ako nakakaramdam ng sakit" sagot naman nito.
"Mabuti" sagot ko naman sa kanya
"Wag mong masyadong isipin to, laro lang to uhugin" paalala niya
Pero hindi eh, pakiramdam ko hindi lang laro ang mangyayari.
Kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko-*Swisssss-swisssss*
Iniharang bigla ni clyde yung kamay niya sa harapan ko para matigil ako sa paghakbang.
May mga kaluskos kaming narinig.
Pareho naming pinakiramdaman yung paligid.*Swissssh-swissssh*
Kaya lang mas lalo pang lumakas yung kaluskos. Parang mga halaman na nasasagi ng paa tuwing madadaanan.
"Papunta ata sila dito" bulong ko sa tenga ni clyde sa pinakamahinang boses na kaya ko.
"Shhh. Hindi- nasa taas sila" sabay turo niya sa isang puno sa bandang kanan. Sabay takip sa bibig ko.
Bigla nalang akong kinabahan, una dahil may mga napaghandaan na yung iba samantalang kami wala pa.
Pangalawa, kelangan naming makaalis ng di napapansin ng kung sino man tong tao sa taas.
"Natatakot ako" saka ko hinawakan ang braso ni bakulaw
"Akong bahala" sabi nya saka ko naaninag yung ngiting pinakawalan nya na nagpakalma sakin.
"Maghintay muna tayo, mukhang matutulog sila, kung sino man sila, kaya sila umakyat. Aalis din tayo maya-maya" dugtong pa niya
Kaya wala kaming nagawa kundi maghintay. Hanggang sa pakiramdam namin nakatulog na sila. Kumuha si Clyde ng malaking bato, saka niya sinadyang tinapon ito papunta sa kabilang direksyon kung san kami galing. Nung parang wala naman sa kanila yung nangyari, dahan-dahan kaming naglakad palayo sa kanila.
"Kinabahan ako dun" nakahinga ako ng maluwag nung makaalis kami
"Maghanap tayo ng pwedeng panlaban incase may umatake satin, maghanda narin tayo ng patibong" maawtoridad na sabi ni clyde
Kaya sa oras ding iyon nagsimula kaming maghanda.
Gamit yung dalang patalim ni Clyde, gumawa sya ng patulis sa dulo ng mga kahoy na kinuha namin. Pareho pa nga kaming nagtaka kung san galing yung patalim, nakuha niya kasi to sa bulsa ng damit ng suot namin. Malamang sinadya tong ilagay.Nagsimula ulit kaming maglakad , hangang sa mapansin namin yung usok sa di kalayuan.
"Hoy lalake, ano nang gagawin natin , natatakot na ako" boses palang. Sigurado akong si Violet to.
"Lalaban tayo" at malamang si Jiro to.
Papalapit na sana ako sa kanila nang pigilan ako ni Clyde. Sa kabilang parte netong lugar, malinaw kong nakikita na me ibang tao pa.
Bahagya kaming nagtago ni clyde sa likod ng puno.
"Eh pano yan, wala pa tayong nagagawang move. Wala man lang tayong armas. Pano tayo lalaban? Jiro naman!" Violet