RTADP Chapter - 6

2.2K 65 12
                                    

RTADP Chapter - 6

(Min's POV)

"Hmmm" -medyo naalimpungatan ako sa sinag ng araw galing sa bintana  ng kwarto ko. First day of classes pala ngayon? And so? Wala naman. Di ako excited pumasok.

Mala-zombie akong naligo at nagbihis. Bumaba ako para kumain.

"OH MY GRACIOUS BEAUTY! Anak bakit ganyan ang ayos mo? First day kaya nang school mo tapos mukha ka lang tatambay kung saan!" bungad sakin ng magaling kong ina na nasa kusina at nagpapaka-nanay sakin.

"Ano bang masama sa suot ko ma?" at dahil tinatamad ako makipagargue sa kanya naupo nalang ako saka mataimtim na kumain.

"Madaming pogi dun tas wala lang sayo na mukha kang chaka!" Pogi na naman. Si mama talaga kahit kelan ba naman, kahit hanggang dito sa bahay hindi mawala-wala yang kalandian niya.

And what is wrong with my looks? Naka pants at shirt naman ako, backpack at eye glass, naka bun yung buhok ko at nagpulbos naman ako. Kulang pa ba to? Sobra-sobra na nga to, pasalamat pa sila naligo ako.

"Ma, pasok nako" lumayas nako bago pako talakan uli ni mama. Baka mamaya maisipan niya pa akong ayusan edi nasira yung be-a-regular-student look ko. Mabuti na yung hindi ako makaagaw ng atensyon sa unang araw ng school para iwas sa mga bully.

After 15 mins narating ko na yung school. Nagcommute lang naman ako. Hindi kami mayaman at walang maghahatid sakin. Saka sayang rin naman sa gasolina kapag ihahatid pa ako gamit yung kotse namin diba, one more thing is baka kapag isinama ko si mama ay baka hindi na ito umalis dito at ipagpilitan niya na pumasok rin sa school ko. Jusko, ayoko ng stressful life so big no.

"Mindleton International School" binasa ko yun malaking signboard sa labas bago pumasok sa loob.

Hindi naman ako late at hindi rin naman early bird, sakto lang. Nakisabay ako sa mga students na nagsisipasok sa campus. Well, ano pa bang dapat i-expect ko sa isang international school. Madami ngang pogi-- I mean pagbigyan niyo nako. Minsan lang naman diba habang wala sa eksena si mama.

Sobrang daming studyante, as expected. Kaya nga ako gumising ng maaga eh. Ang laki rin ng campus nato, yung mga buildings nakakalula hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta. Gusto ko sanang magtanong sa ibang studyante dito pero kapag lalapitan ko yung grupo ng mga babae nagsisialisan sila. Ano ba? Magtatanong lang naman eh, ang aarte niyo naman.

Kanina pa ako ikot nang ikot hindi ko pa nakikita yung room ko. Patay, mukhang malalate pa ata ako nito.

"Miss?" napalingon ako.

"Ikaw nga, I'm glad we meet again"

Totoo ba to? O nananaginip lang ako. Ikaw ba talaga yan EROS OF MY LIFE!

"By the way I'm Eros, and you are?" sabi niya sabay abot ng kamay niya

"Yasmine. I'm Yasmine" nginitian ko siya ng pagkalawak lawak saka tinanggap yung kamay niya para makapagshake hands kami. Nagshakehands kami guys, gosh hindi ako maghuhugas ng kamay.

Otor: yaaak.

Shatap otor.

Pero wait, may pasok pa pala ako at late na ako. Eros you are distracting me.

"Ah-eh Nice meeting you Eros pero nawawala kasi ako. Alam mo ba kung saan to?" then pinakita ko yung schedule ko. Bahagya akong lumapit sa kanya para ipakita yung schedule ko. Ang bango niya mga bes, amoy baby. Kahit na mukha na akong manyak dito, okay lang basta ba si Eros eh.

Habang kausap ko si Eros, ang weird lang dahil feeling ko lahat ng students na dumadaan tinitingnan kami. Ako lang ba at ang imagination ko o totoo nga na pinagtitinginan kami. Ano ba? Kanina halos hindi ako pinapansin ngayon naman kung makatingin sila dyan eh. Tusukin ko kaya mata nila.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon