RTADP Chapter - 51

525 19 15
                                    

RTADP Chapter - 51

(Louie's POV)

"Sir hindi po kayo pwedeng pumasok" ang sarap basagin ng bungo ng security guard nato

" Kelangan kong kausapin ang manager niyo. Let me in okay!" Mariin kong sabi

"Pero sir, hindi ho talaga pwede. Ako naman po ang mapapagalitan ng manager namin" aniya

Nagpumilit pa akong makapasok pero mas marami pang security guards ang humarang sakin.

"Hon, tama na. Wag nalang tayong tumuloy" nanghina ako nang lumapit sakin ang babaeng pinakamamahal ko at kinumbinsi ako na umalis.

"Hindi hon, gagawa ako ng paraan" i kissed her forehead saka siya ngumiti sakin ng ubod ng tamis

Si Helda, she's the only thing that matters to me right now. Ang gusto ko lang, araw-araw ko siyang mapasaya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. At lahat gagawin ko para sa kanya. Mga highschool palang kami alam ko na, sa sarili ko na si Helda na talaga ang babaeng para sakin. Mabait siya, matalino, maganda at sobrang mapagmahal. Gustong-gusto ko siya simula noong una kaming magkita, transferee siya noon sa school namin. Tahimik lang siya noon at walang kaibigan, hanggang sa nakilala niya si Yasmine. Yung parang bestfriend ko nadin noon sa school, naging magkaibigan sila at dahil close friends kami ni Min pinakilala niya sakin si Helda. Which is maybe, the happiest day of my life. Naging magkaibigan kami hanggang sa nagkaroon ako nang lakas nang loob na magtapat sa kanya. Hapon noon, tapos na ang klase ko kaya dumiretso ako sa labas ng classroom ni Helda. Hinintay ko na matapos ang klase nila saka ko inabangan ang paglabas niya mula sa classroom nila. Tinanong niya pa sakin noon kung nasaan si Min, sabi ko nalang hindi ko siya nakita baka umuwi na. Inaya ko siyang maglakad-lakad kasama ko dahil sabi ko may gusto akong sabihin sa kanya. Pero bago ko pa man maamin ang lahat sa kanya, bigla niya akong pinigilan at sinabing hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Lubos akong nasaktan noon, kaya tumawa ako ng malakas at sinabi ko sa kanya na hindi siya ang mahal ko. Sinabi kong si Min ang gusto ko, pero hindi ko inaasahang maririnig iyon at darating sa lugar na iyon si Yasmine. Maling akala, na nauwi sa pagiging magkasintahan namin hanggang sa mabalitaan kong umalis na si Helda sa school namin at lumipad pabalik sa America.

Lumipas ang taon, hindi ko namalayan na ang pagpapanggap ko na mahal ko si Min ay magdudulot ng sakit hindi lang sakin, kay Min pati narin sa taong mahal ko. Huli na noong malaman ko na may sakit si Helda simula noong nag-aral siya dito at kaya niya ako ipinagtabuyan ay dahil sa ayaw niyang mahalin ko siya dahil aniya malapit na siyang mamatay. Sinundan ko siya noon sa abroad pero itinulak niya muli ako pabalik sa Pilipinas dahil naisip niyang masasaktan si Yasmine kapag nalaman niya ito. Nawalan na ako noon nang pag-asa, ngunit sa mga sunod na araw eh nagulat ako nang bigla siyang magpakita sa akin, sa amin ni Yasmine. Sabi niya, gusto niya akong ipaglaban, kahit kapalit noon ay ang natitirang oras niya sa mundo. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumama sa kanya. Tumira kami sa States at sabay na nag-aral sa university na gusto niya. Halos araw-araw kong pinagdadasal na sana parang himalang mawala yoong sakit niya pero parang araw-araw ay unti-unti siyang kinukuha sakin. Neto lang, nagsimula na siyang makaramdam ng mga pananakit at madalas na siyang manghina. Cancer of the breast, ito ang sakit na patuloy na nagpapahina sa kanya. Binigyan nadin siya nang taning ng doctor at sinabing 6 months nalang ang itatagal niya kung kakayanin niya pa ang chemotherapy.

"Hon, eto nalang sunod sa listahan ko ang gawin natin oh. Number 3: Pumunta sa pinadulong lugar sa Northern part ng Pilipinas at manuod ng magandang sunset" nakangiti niyang sabi.

6 na buwan. 6 na buwan pa siyang lalaban sa sakit niya. Noong nalaman niya iyon ay halos ilang araw namin siyang hindi nakausap. Nagkulong siya sa kwarto niya nang siguro tatlong araw at wala siyang gustong kausapin maging ako. Akala nga namin eh sumuko na siya, pero kinakain niya naman ang mga pagkain na inihahatid namin sa kanya kaya nga lang minsan kapag malalim na ang gabi eh maririnig namin siyang sumisigaw mula sa kwarto niya. Hinintay ko siyang lumabas, hanggang sa isang araw bigla nalang niya akong pinapasok sa kwarto niya. I hugged her and kissed her na tila ba'y isang taon akong nawalay sa kanya. Marami sana akong gustong itanong sa kanya pero natigilan ako nang may ipakita siya saking sketchpad. At halos maluha ako nang basahin ko ang panimulang salitang nakasulat: 10 things to do before I die. Doon siya nagdesisyon na bumalik sa pilipinas, itigil ang chemotherapy at ipilit na gawin ang mga nasa wishlist niya. And here we are, on her second wish. Ang mag scooba diving kasama ako. The thing that i cannot gave to her dahil sa may nagpareserve nang services ng scooba diving hotel and resort na byinahe namin ng halos sampung oras. Sobrang napagod si Helda kaya hindi ako papayag na hindi kami makakapag-avail neto. I need this, i need this badly for the girl i love. And i would do anything, for her.

(Min's POV)

Si Louie. Hinding-hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko sa nakikita niya ngayon. Kahit na may kaunting pagbabago sa istura niya ngayon, alam ko at alam nang puso ko na ang taong pinagkukumpulan kanina ng mga staff dito at ang lalaking kaharap namin ngayon ni bakulaw ay ang taong minsan ko ring minahal.

"Min" nabigla ako nang bigkasin niya ang pangalan ko at maging siya na makita ako, kami.

"Louie" muling pagbitaw ko sa pangalan niya.

Sa ilang minuto , pareho kaming nanahimik at nagsukatan ng tingin, pansin ko ang saya sa kanyang mga mata noong nakita niya ako. Ayokong umasa sa inaasal niya ngunit hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. May part sakin na pakiramdam ko gusto ko parin siya. I missed him, i still wanted to be in his arms after all what happened. And yes I am a fool for loving him after all what happened. Pero may malaking bahagi na lumalamon doon, galit. I was wishing that moment na sana wala nang Louie ang nasa harap ko. Dahil tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang lahat. Ilang taon akong naniwala, ilang taon akong umasa at nagpakatanga. I was the dumbest person, not seeing that his love for me is not true. That he doesn't really love me at all. That I was the only person who cared and loved him.

I look at him. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon, malungkot, magalit, mainis, o masaktan dahil tanaw ng dalawang mata ko ang taong nanakit sakin noon. Nilalamon ako ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon, kaya't walang ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Pero naagaw ang atensyon ko nang isang pamilyar na pakiramdam ang pumawi sa lahat ng takot at sakit na nararamdaman ko. Yung paghawak ni bakulaw sa kanang kamay ko, pinapayapa nito ang nararamdaman ko.

"Min" hawak parin ni bakulaw ang kamay nang piliting lumapit sakin si Louie.

"Who are you? And how do you know my girlfriend?"
Nabigla ako at maging si Louie nang humarang sa aming dal'wa si bakulaw. Seryoso siya, at mukhang seryoso din siya sa sinabi niya ngayon lang. What is going on here? At girlfriend? Kelan pa niya ako naging girlfriend.

"I am her ex-boyfriend. Sino ka?" sagot ni Louie

"Her boyfriend" nagsukatan sila nang tingin na wari'y magpapatayan sa titig nung mga sandaling iyon. The tension. The aura. I am afraid to cut the scene pero, i think kelangan kong pumagitna sa kanila. The thing is, bago ko pa magawa ang bagay na iyon,

"Hon, anong nangyayari?" Biglang lumapit ang babaeng pamilyar sa akin.

"Min?" Lumapit siya kay Louie nang makita ako. Takot? Lungkot? Hindi ko alam kung anong emosyon ang pinapakita niya sakin ngayon. At ako? Galit pero kalaunan ay napawi ng mga tanong. As i looked at her, yung payat niyang katawan at sobrang putlang balat at labi hanggang sa kaunting natitirang maikling buhok at sa pink niyang bonnet sa ulo.

What happened?
Anong nangyari sa Helda na kilala ko? Anong nangyari sa inyong dalawa ni Louie?

"Ma'am, Sir? Magkakilala po pala kayo? Kasi po me konting problema sa reservations na ginawa niyo Mr. Smith. Pero ginagawan narin po namin nang paraan, please may isang Seaside Restaurant sa may unahan netong building. We will make a reservation for two, para po makakain kayo doon while we try to fix the issues." Ani ni Jobert

"No, let them go with us" utos ni Clyde

"Sigurado po ba kayo sir?" Ani ni Jobert

"Yes, please make a reservation for four persons. I wanted to meet my girlfriend's ex lover and his new girl." sagot ni bakulaw.

Tumango nalang si Jobert at sumunod sa inutos ni Clyde. Kung ganoon? Kakain kami ng lunch nang sabay-sabay? Ano bang pwedeng mangyari? Hindi ko na alam, gulong-gulo nako. At ano ang balak ni Clyde? Bakit gusto niyang makasama namin sina Louie?


Author's Note: (Kemerut! Sinong nakakamiss sa magandang intro ko?)
Isa tong himala! Maaga ang update ng inyong abang lingkod. Masyado kayo eh, masyado din ako. Masyadong inlove lol. And here it is- sa mga nagaabang ng update here you go. (Ang feeling ko talaga mwehe wala naman na atang nagbabasa neto) well, let's see. Enjoy reading 💖

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon