RTADP Chapter - 42
(Min's POV)
"Kinabahan ako dun, akala ko mapapahamak na si Kuya Clyde" Nami
"Kung di naman kasi engot yang Eunice na yan e" Stacy
"Guys, hayaan na natin. Okay na naman si Clyde diba?"
*Sigh* Sobrang kinabahan talaga ako kanina. And I really want to blame this girl but I can't.
*Knock-knock*
"Hi Girls, so how was it? Nag-enjoy ba kayo?" pumasok sa kinalalagyan namin si Aunt Cecilia.
Isa pa to. Now , I know why Clyde hate her so much.
"Aunt Cecilia, please stop your games na. Muntik nang mapahamak si kuya clyde e"
Tama nami. Dapat nang matigil to.
"Uh-oh. Girls, ang larong sinimulan ay dapat magkaron ng magandang katapusan" with that, narinig na naman namin ang tawa niya. Matapos nun ay lumabas na sya.
"Magdasal nalang siguro tayo . Yun nalang ata ang magagawa natin" bigla namang sumulpot si Eunice sa likod
"Kanina kapa dyan?" Violet
"Kagigising ko lang ho. Patawad nga po pala kung wala man lang akong naitulong kanina" saka siya yumuko at nagsimulang humikbi
"Psh. Itigil mo nga yang kakaiyak mo. Nangyari na ang lahat. Tapos na" Stacy
"Patawad ho, hindi kasi ako makahinga kanina dun sa bagay na pinaglagyan satin. Pasensya na ho. Takot ho kasi ako sa masisikip na lugar" paliwanag niya
Sa kabila ng lahat mukhang totoo naman ang mga sinabi ngayon ni Eunice. Sabagay may mga tao nga pala na may phobia on diff. things. Claustrophobic. Hmn At hindi ko kayang sisihin sya.
I stood up and hug her.
"Shh. Okay lang Eunice, di yun mapapahamak si Clyde. Bakulaw kaya yun" bulong ko sa kanya then she smiled.
"Ayy sobrang madrama. Tara na guiths let's enjoy the night" Violet
Nasaan kami?
We really don't know. Basta dinala nalang kami dito.
Mas maliit nga doon sa mansyon. Pero halos pareho din yung loob ng bahay.
Nakakahinga naman kami kahit na palibot ng guards yung gate ng bahay. Siguro 3-4 meters ang agwat ng guards. Daig pa namin ang mga preso but if i am really a prisoner and this will be my jail, I can be forever prisoner. Not too big, nor too small. May enough rooms for us, dining together with a complete kitchen, mini lounge, entertainment room, cool receiving area and pool.
Kaya lang, iniisip ko kung nasaan na kaya si bakulaw. Is he comfortable with where they are, o kaya naman okay ba yung pinagdalhan sa kanila? O naiwan sila doon?
"Min, are you okay?" Natigilan ako sa paglalaro sa tubig ng tabihan ako ni Nami
"Yah I'm okay" i manage to show some fake smile
"Kung inaalala mo si kuya clyde, I think di naman tayo ipapahamak ni Aunt Cecilia." Sagot niya
Sabagay may point naman si Nami.
Pero ang gumugulo talaga sa isip ko ay mismong si Aunt Cecilia. Pakiramdam ko talaga eh, kilala ko sya o minsan ko na syang nakita. Kung saan o kailan? Yun ang pilit kong inaalala. Pati na yung mangyayari sa next game na sinasabi nya.
-Kinaumagahan-
"WAKE UP! WAKE UP! GIRLS GISING NA!" medyo naalimpungatan ako sa tunog ng isang megaphone.
Saka ako natauhan nang nasa harap ko na si Aunt Cecilia.
Tinitigan nya ako at ganun din ako sa kanya. Naputol ang pangingilatis nya sakin ng bumangon si Eunice.
"Girls, humanda na kayo dahil magsisimula ang sunod na hamon ngayon din bago sumikat ang araw. Sumunod agad kayo pagkat naghihintay sa labas ang matitipunong taong magliligtas sa inyo"
After her speech, agad kaming nag ayos. May iniwan si Aunt Cecilia na tig iisang box sa may sala with our name on it. At dahil wala naman kaming damit na dala o kahit dito sa mansyon ay minabuti naming isuot ang mg a to. Kahit na mukha akong ewan sa dress nato.
Halos parareho ang suot namin. Lace dresses na iba-iba ang design at kulay. Sinadya siguro na may color coding kami.
Paglabas ko nakita ko agad sila bakulaw.
Parareho silang naka-gladiator style na damit. Infairness bagay sa mokong nato kaya napangiti talaga ako habang nakatitig ako sa kanya. Samantalang nakangisi naman siya. Ewan ko lang kung natutuwa sya sa suot ko o inaasar nya ako. Nakakaloko to.
"Ladies and Gentlemen, you all look fantastic at this moment kaya wag nating patagalin yung game." Madramang entrada ni Aunt Cecilia kasama yung ninjas niya.
"Pero as ive said earlier, yung dalawang unang nauna sa first game shall win their prices" then nagsnap si Aunt Cecilia kaya lumabas yung mga tauhan niya dala yung dalawang bilog na nakuha nila dun sa unang game.
"Ang kulay ng loob ng bilog ang syang kulay ng babaeng makakapareho niyo. Harris, buksan mo na"
At sa hudyat ni Aunt Cecilia nagbukas yung bilog.
"Yes! Si lila ang nakuha ko!" tuwang-tuwa si Jiro nung makita nyang kulay lila yung laman ng bilog kapareho ng kulay na suot ni Violet ngayon. And violet seems to be satisfied. Sa sobrang tuwa pa nya nagtatakbo sya papunta kay Jiro.
"Oy chansing kana boy landi" sita ni Vii habang yakap sya ni Jiro
"Okay lang yan, namiss kita eh" lambing naman nito.
On the other hand, kulay green naman yung nabuksan ni Yuki.
"Hijo, Yuki kunin mo na si Eunice" utos ni Aunt Cecilia.
Pareho namang walang reaction si Eunice at Yuki. Pakiramdam ko nagkakailangan sila.
" Okay para sa natitirang players, sa harap niyo nakikita niyo ang napakaganda kong garden maze. Simple lang ang rule, ang makalabas kayo sa dulo ng maze dala sila on time. Ilalagay ko ang mga prinsesa nyo sa loob ng maze nang nakagapos at nakapiring. Tatakpan ko din ang bibig nila para di sila makagawa ng ingay. You should find them , atleast one of you each. Kaya lang hindi magiging madali ang maze. So patatagalin ko pa ba to? Let's start."
Pagkasabi na pagkasabi nun ni Aunt Cecilia ay kinuha na kami ng mga ninja nya.
Nagpumiglas ako pero kinaladkad lang nila kami ng walang kahirap-hirap papasok sa maze.
Tumingin ako kay bakulaw bago pa ako tuluyang makapasok at kitang-kita ko yung galit sa mata niya. Please bakulaw, hanapin mo ako.