RTADP Chapter - 48

501 12 4
                                    

RTADP Chapter - 48

(Min's POV)

Paggising ko wala na yung katabi ko. Pati si kuyang driver eh wala nadin. Iniwan nila ako? Nakakainis naman oh! Ano ba naman yung gisingin nila ako at nandito na kami. Psh!

I made my way out, kung di nya man ako ginising wala na akong pakealam. Bakulaw -.-

"Ano? Isang oras pa? You were saying na matatrap kami dito ng isang oras! Masyado nang matagal yun, gumawa kayo ng paraan!" Rinig na rinig ko ang boses niya. At ano raw? Isang oras na ano?

Ano bang nangyayari?

I walk towards the front part of the car at nakita kong umuusok yung bandang unahan ng kotse. So nasiraan pala kami.

"Anong nangyari?" Tanong ko ki manong driver

"Mam nagoverheat po yung sasakyan natin" sagot niya naman

And i was like, What? Ang malas naman namin

"Tsss. Walang kwenta. Now were stuck here!" Rinig kong reklamo netong kasama ko saka marahang sinipa yung gulong ng kotse

"Problema mo?" Singhal ko sa kanya

"Yang kotseng yan ang problema ko!" Sigaw niya sakin

"Oh?! Ba't galit kana?" Aba sumosobra naman ata tong taong to.

"Kasi isang oras tayong maghihintay dito! Bwisit! Sayang ng oras" sagot niya

"Edi maghintay tayo, hindi yung ang init agad ng ulo mo!" May binulong pa siya pero di ko na narinig pa. Naglakad siya palayo sa kung nasaan kami. Tiningnan ko yung buong lugar. Nasa gitna kami ng kawalan, sa magkabilang parte naman ng malawak na kalsada ay puro puno. Naiintindihan ko namang nakakainis ang mastuck dito pero ano ba naman yung maghintay lang ng isang oras para sa mag-aayos nung sasakyan. Hindi ko talaga maintindihan yang bakulaw nayan! Bakit ba ang init ng ulo niya at bakit ba siya nagkakaganyan.

"Mam, mukhang kanina pa mainit ang ulo ni Sir " napalingon ako kay manong goon. Ano nga bang pangalan ni kuya?

"Oo nga kuya eh, di ko na nga yun maintintindihan" sagot ko naman siya kaya napailing-iling siya

"Alam mo Mam, normal naman talaga yan sa mga magkasintahan. Kami nga nang misis ko, lagi kaming nag-aaway noong panahong nililigawan ko pa siya. Baka hija sumasabay lamang yung nobyo mo sa init ng panahon" Teka? Ano manong? Kasintahan? Nobyo? Neknek mo manong, di ko boypren yung bakulaw nayun!

"Ah hindi po kuya, di po kami magkasintahan" depensa ko pero ngumisi lang siya sakin

"Nako hija, sa tanda ko bang ito ay pagsisinungalingan mo pa ako. Halata namang mahal niyo ang isa't-isa" nasamid ako sa sinabi ni kuya. Juskopo! Hinayaan ko nalang siya sa kung anong iniisip niya at pumasok muli ako sa kotse.

"Okay na?" Narinig kong tanong muli ni Bakulaw "Here" kita kong iniabot niya yung pera dun sa tiga-ayos. Halos isa't kalahating oras bago nakarating yung mag-aayos ng sasakyan. Si bakulaw bumalik halos kalahating oras matapos niyang umalis.

Maya-maya pa'y tinahak muli namin yung daan. Kung pwede lang umuwi na, feeling ko hindi na magiging okay yung bakasyon grande ko.

---

Halos isang oras pa bago namin narating yung hotel na tutuluyan namin. Sabi ni Kuya Joseph (yung driver), we are staying here for 2 days and 2 nights mula ngayong gabi hanggang bukas ng gabi. Iniwan niya kami after giving us directions tapos sinabihan niya pa ako na habaan ang pasensya ko sa nobyo ko. Nobyo himself! Ts.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon