RTADP Chapter - 30

1.2K 47 11
                                    

RTADP Chapter - 30

 

 

(Min's POV)

Mabilis na lumipas ang isang linggo.

Ako? Okay na okay.

Ewan ko lang sa lalaking yan. 

Napatingin ako sa katabi ko.

Badtrip. Isang linggo na yang ganyan. And worse? Nagmumukha akong tanga sa ginagawa niya.

Bakit kamo?

Halatang-halata naman kasi na iniiwasan nya ako.

Nung una okay kasi di na sya nangungulit. Di na sya nangaasar. Wala nang asungot sa buhay ko.

Ang kaso. Nung mga nakaraang araw napansin ko na iniiwasan nya ako.

Actually hindi lang ako ang nakapansin. Buong barkada pansin din yang mga kilos ni bakulaw.

Lahat naman kinakausap nya. Pwera ako. Minsan kapag nahuhuli ako papuntang canteen tapos lahat sila nandun na, minsan nagkakatuwaan sila. Naririnig ko nga boses ni bakulaw malayo palang pero pagdarating ako tatahimik sya o kaya magdadahilan sya para makaalis sya.

May pagkakataon na magkakasalubong kami, ngingitian ko sya pero dadaan lang sya na parang walang nakita.

Paglalapit ako sa kanya, magdadahilan sya para lumayo.

Isang linggo na syang umiiwas sakin. At ang mahirap, hindi ko alam kung bakit. Fck.

Ang sakit nya sa bangs.

Ano ba kasing problema nya? Halatang-halata naman kasi na umiiwas sya.

"Min, nagaway ba kayo ni kuya clyde?"-nagising ako nang magtanong si nami.

Umiling-iling ako.

"Eh bakit ganun sya? bakit sya umiiwas sayo?"-tanong ni vii

Umiling muli ako.

Kasi kahit ako di ko alam.

"Tinanong mo ba sya?"

"Bakit ko sya tatanungin? Alam ko namang walang problema? Saka sya tong umiiwas. Problema nya na yan"- paninindigan ko.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon