RTADP Chapter - 13

2K 60 16
                                    

RTADP Chapter - 13

(Min's POV)

Medyo late na akong pumasok sa school tulad ng sabi ng Dean walang proper classes kasi may program mamayang hapon.

Dahil doon nagkalat ang mga studyate kahit saan sa hallways, sa mga benches, sa canteen, sa kung saan-saan pang sulok ng campus.

Naglalakad ako papunta sa building namin nang may narinig akong hindi ko nagustuhan. Kay aga nga naman ng ungol ng babaeng to. At dito pa sa school ah.

And to my surprise sa hagdan pa nila napiling maglaplapan. Sorry sa ginamit kong term pero naiimbyerna talaga ako sa ganitong klaseng PDA, I mean pwede naman sa kahit anong parte ng school wag lang talaga silang papakita sakin. At sino nga ba ang nasa likod ng landiang ito? Walang iba, ang nag-iisang malandi sa grupo ni bakulaw. Sabi ko na nga ba, hindi naman marunong si Jiro ng salitang LOYALTY.

And I hate people who doesn't know that word.

Kahit na yung panliligaw niya sakin hindi ko naman yun sineseryoso dahil tulad nya hindi niya din sineseryoso.

Nilampasan ko lang sila although nakita ako ni Jiro at rinig ko tinawag niya ako. Hindi ko pinagtatanggol ang sarili okay, hindi ako nagseselos o ano man. Sadyang naaalibadbaran lang ako.

"Babe, ba't ba di ka huminto nung tinawag kita?" humahangos pa ito nang maaboy niya ako saka niya hinarangan.

"Ah" tapos naglakad uli ako. Nilagpasan ko siya and as usual sumunod siya sakin.

"Bakit ba ang tipid mo sumagot" aniya habang nagbabadya yung inis sa tono ng boses nito.

"La lang" hooo! nakalunok ata ako ng anti-happy pill dahil hindi ko feel makipag-usap sa kanya. Hindi ko rin maintindihan pero inis na inis ako, maybe because I stand for the school's 'Anti-PDA Campaign'

Abala ako sa paglalakad na parang zombie habang may langaw na sumusunod sakin ng bigla niya akong hawakan sa kamay dahilan para mapahinto at magulat ako.

"Nagseselos ka ba?" he should be saying that line while smiling happily or playfully pero hindi eh, bigla siyang nagseryoso out of nowhere and  that look gave me shivers. Mas nakakaagaw ng atensyon ang mukha niyang yan, akala ko pamatay na yung playfull aura niya but look at this.

"Bakit ako magseselos? Ano ba kita?" it took me a minute or two bago ako makasagot sa kanya. I'm trying okay, kayo kaya sa sitwasyon ko. Napakagwapo niya sa sandaling eto and I am trying not to be nice to him, I can't.

Akala ko mangungulit pa ito pero bigla nalang niya akong iniwan doon, marahan nitong binitawan ang kamay ko at humiwalay ng landas sakin. I don't exactly know what happened? Nasaktan ko siya? Naoffend? Ano?

The good thing is tinantanan niya na ako but it doesn't feel right. Wala nadin akong nagawa kundi nagpatuloy sa paglalakad but still my mind is not letting me be in peace.

 
 

-room-

 
Wala man lang ni isang estudyante sa classroom namin. Malamang nagkalat sila sa kanya-kanya nilang tambayan. Si Vy baka maya-maya pa yun kasi hindi raw siya papasok ng maaga, si Nami ganun din so ako lang at ang sarili ko ngayong araw.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon