RTADP Chapter - 40

668 23 13
                                    

RTADP Chapter - 40



(Min's POV)



We decided na bumalik na sa mga room namin para narin samahan si Eunice.



"So, you mean galing ka sa province?" Violet



"Oho, kinuha ako ni Mam Ces kapalit nun ay mapapasamin na uli ang mga lupain namin" sagot ni Eunice



"But hearing your last name made me confused. Creg-- tingin ko American ang papa mo. Saka look para kang hindi taga probinsya" Stacy




"Anak nga ho ako ng isang kano, kaso wala nadin ang tatay. Di ko nga sya nakita e. At ito pong suot ko? Galing ho to kay mam" Nakakaawa din pala itong si Eunice. At napakahinhin, aysus dalagang Pilipina talaga.




"So, alam mo na yung tungkol sa fixed marriage?" Nami



"Oho, alam ko nadin pong si Sir Yuki yung mapapangasawa ko" matapos nyang sabihin yun ay namula sya.




"And payag ka dun?" Stacy



"Wala po akong magagawa dahil naibalik na samin ang lupa. Pero sabi naman po ni Mam Ces kapag di raw ako nagustuhan ni Sir Yuki ibabalik nya naman raw ho ako sa probinsya"



Napa -Ahhh nalang kami.


Anyway para sakin okay naman tong si Eunice. Mabait, magalang at maganda.




"Violet, gano nyo kakilala si Lola Cecilia?" kanina ko pa talaga gustong itanong ito.




"SHHH! Wag mo syang tawaging Lola Cecilia. Dapat Aunt Cecilia."Nami



"Matagal na, mga bata pa kami. Nakilala ko si Aunt Cecilia dahil kay Jiro. Mabait si Auntie kaso mapaglaro. I bet hindi matatapos ang gabing ito ng walang laro"



"Ako naman, nakilala ko si Auntie kasi friend sya nila Mama at Papa. Tama si Vii, kelangan nating maghanda para sa mga surprises ni Aunt Ce-" napahinto nalang si Nami nang biglang bumukas sa pinto.





"Did i just hear? Suprises?" At iniluwa ng pinto si Aunt Cecilia.





"Girls, be ready. Dahil magiging exciting tong gabing to" Tapos ngumiti si Aunt Cecilia. Mukhang di ko gusto ang mangyayari.






-----------




"Auntie? Para san po ito?" Tanong ko kay Aunt Cecilia.


Kung anong nangyari? Wala lang naman. May mga dala lang naman si Aunt Cecilia na troupe ng mga di kilalang nakaitim na lalaki. For what yun yung gusto kong alamin.





"Aunt Cecilia, ano na naman ba tong larong to?" This time si violet na ang nagtanong




"Ano mang laro ito, I like it." samantalang pabor na pabor si Stacy




"Girls , cool down. Relax lang kayo. You should be beautiful to be priceless but precious and the bold ones shall win you" Yun yung last words na sinabi niya bago siya tumawa ng tumawa. Note the elegance on it. Ano kayang binabalak ni Aunt Cecilia?





(Clyde's POV)




"Bakit ba nandito yung hukluban na yun?"



"Dude, relax wala nang pranks she promise" Yuki



"Maiba ako dude, So yung Eunice ang sinasabi ni Aunt Cecilia na ipakakasal niya sayo" Jiro



"Yes, siguro" Yuki





Iniwan ko sila doon sa sala. Gusto kong mapag-isa kaya dumiretso ako sa kwarto.


Kung bakit pa kasi ako binisita ng huklubang yan. Pagtitripan nya lang kami dito. Yes, i respect Aunt Cecilia pero masisisi nyo ba ako kung masyado akong natrauma? Tss.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon