RTADP Chapter - 52

623 24 16
                                    

RTADP Chapter - 52

(Min's POV)

Tahimik kami nang makarating sa sinasabing seaside restau ni Jobert. Casual lang. Naupo at umorder nang makakain. Katabi ko si Clyde, kaharap ko si Louie habang katabi niya si Helda. I know this would be the most awkward moment, at hindi nako magtataka kung matapos ang lunch date nato na di kami nagsisiimikan.

"So, kamusta kana Min?" Pero halos mabilaukan ako nang magsalita si Helda
Tumingin ako sa kanya, at ganoon din siya sakin. She smiled at me, that lessen the tension between the four of us.

"Mabuti, ikaw kamusta?" I asked her back.

"Eto mamamatay na" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatigil sa pagkain si Clyde at napalingon si Louie sa kanya. Pero matapos niyang sabihin yon ay bigla siyang tumawa.

"I was not joking, totoo Min. Mamamatay nako" nakangiti niyang pahayag. Nakita ko kung pano hinawakan ni Louie ang mga kamay ni Helda at kung paano niya tingnan nang may kahalong lungkot at pagaalala ang babaeng ito.

"At alam mo bang nasa listahan kita? You were my 10th dying wish" Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Kaya nakinig ako, at maging kaming lahat sa bawat salitang sinasabi niya.

"Balak kong hanapin ka, pagkatapos naming gawin ni Louie lahat nang 9 wishes ko. Gusto kong makita ka, gusto kong makausap ka at gusto kong humingi ng tawad sayo. At kapag nakita na kita, tatanungin kita kung hanggang ngayon ba gusto mo parin si Louie?" tumigil siya at tumingin kay Louie habang yumuko naman si Louie na tila ba'y binabalot ng sobrang kalungkutan. Habang patuloy akong nakinig kay Helda.

"Dahil kung hanggang ngayon mahal mo parin siya, sa harap mo mismo makikipagbreak ako sa kanya. Iiwan ko siya sayo, dahil alam kong maaalagaan mo siya at alam kong tunay ang pagmamahal mo sa kanya. I saw it before, nung naging kayo. Nakita kong sobrang pagmamahal ang ibinigay mo sa kanya kaya naisip ko na kung mawawala ako, gusto kong sayo ko siya maiwan. Dahil mapapanatag ako, kung sa isang tulad mo, bukod sakin, mapupunta ang lalaking pinakamamahal ko"

Ngumiti si Helda. Pero hindi napigilan ng mga ngiting iyo ang pagtulo ng mga luha niyang batid naming pilit niyang pinipigilan. Nawala ang galit na nararamdaman ko sa kanya, sa kanila kanina noong una ko silang makita. Hindi ko alam pero, mas nakakaramdam ako ng lungkot mula ng sabihin iyon ni Helda.

"Hon, di kana magpapagod na hanapin si Min oh, eto na siya. Eto na yung 10th wish ko. Pwede nakong mamatay" biro neto kay Louie

"Helda" saway naman nito

"Joke lang, me walo pakong di nagagawa kaya pipilitin kong wag muna saka Hon, mukhang hindi naman matutupad ang 10th wish ko dahil mukhang nakahanap na si Min nang lalaking magmamahal sa kanya" ani niya kasabay ng pagiwan niya nang tingin kay Clyde

"Min, magkwento ka naman tungkol kay what was your name again?"

"Clyde" sagot ni bakulaw

"Ah tungkol kay Clyde"

Tumingin naman ako kay Clyde, hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin. Anong dapat sabihin, besides hindi ko naman talaga boyfriend si Clyde. Hindi kami, nagsingungaling lang si bakulaw kanina. I don't know if i shall tell her the truth or continue to pretend that we are really into a relationship.

Gulong-gulo nako, hanggang sa hawakan ni Clyde yung kamay ko sa ilalim ng table. Hindi ko alam kung para saan iyon, pero isang pakiramdam ang hinahatid sakin neto. Pinapanatag nito ang mga emosyon na nagwawala sa loob ng katawan ko. Pain reliever. Peace maker.

"She's not that perfect nung una kaming magkita, ang panget nga niya nun actually" bigla siyang nagsalita, is he starting a story now?

"Umiiyak siya to be exact noong una kaming magkita, uhugin" he looked and smiled at me pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagkwekwento. Nakangiti naman si Helda habang nakatingin kay bakulaw at mukhang naging interesado rin pala si Louie na nakadako narin kay bakulaw.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon